January 6, 2011

Litratong Pinoy # 133 : Paboritong Laruan (favorite toy)

Die Cast





Bata palamang ako gustong gusto ko na ang larong kotse. Kaso di pwede eh. Tapos, na uso noon ang action figures na "GI joe" kaso may kamahalan kay di pwede. ang kaklase ko noon marami silang "GI Joe" figures kaya lagi akong nagpupunta sa kanila. lagi akong nanghihiram kaso ayaw nya. sila din, namahalan sa pagbili ng mga sasakyan ng GI Joe kaya ginawa nilang sasakyan ang mga kahon ng gamot, toothpaste at kahit kahon ng sapatos. dahil mga kahon, pandikit at file folder lang naman ang meron ako, gumawa din ako ng mga sasakyan ng GI Joes kahit wala akong GI Joe. Pinagmalaki ko pa nga ang mga nagawa ko sa nasabing kaklase kaso dahil malikhain ang kanyang mga kamay mas maganda ang nagawa nya pero OK lang, kasi dahil may sasakyan na ako, pinahiram naman nya ang lumang GI Joe. sa istoryang ito ako nahilig sa laruang kotse. kaya matchbox naman ang pinangarap ko.

ang lahok ko ngayon ay ang aking pinaka tago tagong, pinaka ingat ingatang die cast metal car. bigay yan ng nobya ko, kasi alam nya na gusto ko ng toy car at si tigger :"> ang sweet nya diba? daghan salamat pangga!

opppss, may isa pa nga pala akong paboritong laruan, kaya yan nakapatong sa Laptop na gamit ko kasi paborito kong laruan ang PC/Laptop lalo na ang Facebook games. kaso di pwedeng maglaro sa laptop na ito kasi sa kalumaan, di ako pwedeng mag install ng adobe flash player kaya eto, walang games, FB/youtube videos at mag upload ng maramihan kasi flash na ang gamit sa uploading sa FB, hindi na java :((


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP






Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Our Home
last 05 January 2011
kisses
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...