June 2, 2011

MyProject 365 Cycle 01 : 188 of 365 and
Litratong Pinoy # 152 : gamit sa panlinis (cleaning material)

ano ito?





ano nga ba ulit ang tawag sa tela na libre pag nagpagawa ka ng antipara (salamit sa mata)? nakatlimutan ko talaga.

noong weekend, pagka alis ko ng aking antipara, nagulat ako naiwan ang isang kamay nito sa tenga ko. sa aking pagbusisis, nasira ang bisagra ng salamin ko. parang kinain ng kalawang, marahil sa aking pawis. mga tatlong taon ko rin yun gamit.

nung lunes lang, nagpasukat na muli ako ng aking mata. sa tala ng optometrist, noong 2007 pa pala ang huli kong pagawa. pero sa pag kakaalala ko 2007 ang huli kong pasukat pero kulang tatalong taon nagpagawa muli ako kasi nasira ang frame pero OK panaman ang paningin ko kaya ang frame lang ang pinalitan. miyerkules, nakuha ko na aking bagong salamin. sana naman magtagal ulit ito sa akin. sabi gawa daw sa titanium ito so sana man mas matibay ito.

medio tumaas daw ang panglalabo ng mata ko (nearsightedness) kaso bumaba ang astigmatisim ko kaya pwede nadaw akong mag-contact lens. ayos! sa special occation po, mag papagawa ako ng contact lens, sagot ko sa kanya.

mabalik tayo sa topic. ano nga ulit ang tawag sa tela iyon. dati kasi kontento na ako sa panyo o sa suot kong damit para mapunasan at malinis ang aking salamin pero simula ngayon, lagi ko nang dadalhin ang telang iyan para lagi akong may panlinis. sa tindi ng pawis ko at alikabok sa paligid, kailana ko talaga ng maasahang panlinis.



AND





Digiscrapbook Layout created in Microsoft Visio
using "DCWV Fall Stack 23" as a paper background

Photo Taken in our Home
last 01 June 2011
using Canon Powershot a580


kisses

1 comment:

Anonymous said...

I have been browsing online more than three hours
lately, yet I never found any fascinating article like yours.
It is beautiful price sufficient for me. Personally, if
all website owners and bloggers made excellent content material as you did, the net can be much more
helpful than ever before.

my blog post sizegenetics order tracking

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...