Laguindingan Airport
ang nasa litrato ay ang aerial shot ng Languindingan Airport nang akoy pa uwi na ng Maynila galing Cagayan de Oro noong Agusto 31 2010. Lagi akong umuupo sa "seat A" ng eroplano para makita ko lamang ang pook na ito. May kasiyahan hatid kasi sa akin ang makakita ng paliparan at iba pang tanawin kapag nasa ere.
ano na kaya ang nadag-dag sa paliparang ito? Napabalita kasi sa dyaryo(Manila Bulletin) noong martes (28 Dec 2010) na ang paliparang ito na nagkakahalaga ng 7.853 Bilyon piso ay nasa 72.74 porcentong tapos. Inaasahang matatpos ito sa Decembre ng 2011 at magbubukas sa publiko makaraan ng isang buwan. Nasulat din na ang paliparang ito ay nakatayo sa Laguindingan Moog Village na may kabuuong sukat na 4.17 sq.Km o mga 393 ektarya. Ito ay nasa gitna ng Iligan City at Cagayan de Oro City. Ito na ang Ika-apat na International Airport sa isla ng Mindanao kasunod ng Davao; Zamboanga at General Santos.
-personal na opinion-
Usap usapan ng mga lokal sa Cagayan de Oro kung ano ang sasapitin ng kaslukuyang paliparan ng Lumbia (sa Cagayan de Oro din). magyari kasi, may nabalitaan ako na bawal sa batas ang dalawang paliparan na magkalapit, gaya ng sinapit ng Bacolod City kung saan ang lumang paliparan sa sentro ng Bacolod ay sinara sa pagbubukas na ngayo'y "Bacolod-Silay International airport". kaya ang tanong ng karamihan, lalo na ako, paano nalang kung isasara ang kasalukuyang paliparan ng Lumbia at malilipat ang operation ng mga airlines sa Laguindingan. mangagailanag ng mga isang oras o 46 Km viaje papunta ng Cagayan de Oro. hasel diba :( oo nga't nasa gitna ito ng Iligan City at Cagayan de Oro kayat maraming makikinabang sa kanlurang bahagi pero ang Cagayan de Oro ang sentro ng kalakalan at turismo ng rehiyon. Sana magkaroon ng "win-win solution" sa usaping ito.

Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP
Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Philippine Airspace
onboard Flight 2P 964
of AirPhilExpress
last 31st August 2010