February 10, 2011

MyProject 365 Cycle 01 : 76 of 365 and
Litratong Pinoy # 138 : ala-ala (remember)

Razon's





tandang-tanda ko pa nung una akong naka kain sa resto na ito. Nasa Pilgrimage Tour kami noon sa 6 na simbahan ng Pampanga. Kumain kami ng tanghalian sa kanilang branch sa San Fernando City, Pampanga. Ang karamihan sa mga kasama ko ay omorder ng Halo-halo at daing na bangus. ako naman, caldereta. habang kumakain sila ng halo-halo na tukso ako kung ano ba ang meron kung bakit natutuwa sila sa halo-halo. sa madaling sabi, omorder din ako. kahit alam kong di ako matutuwa sa halo-halo na iyon kasi nga tatlo lamang ang sahog : saging, makapuno at leche flan. ang taging dahil kung bakit ako nasarapan sa halo-halo na iyo ay sa kanyang yelo na ubod ng pino at ang gatas nito, hindi sya evap eh.

Taong 2008 yon, sa ngayon, kagabi lamang, kumain kamin g mag-anak sa branch naman dito sa SM Fairview. halos bagong bukas din kasi ito at dahil dyan di pa kami naka pasok/kumain dito. pagkatapos ng hapunan, nahihirapan ang aking ina at mga kapatid sa pag ubos ng 2 halo-halo, kinailngan na nila ng tulog ko. di ko sila tinulungan kasi alam ko na ang sarap ng halo-halo nila kaya naman mas ma inam kung hahayan ko silang kumain at ubuson iyon.

pls do visit again for you to know what we had on that dinner.



AND






Digiscrapbook Layout created in Microsoft Visio
using "DCWV Fall Stack 23" as a paper background

kisses
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...