Block Rosary
Ang salitang "kaarawan" ay di lamang tumutukoy sa 'birthday'. sa pagkaka alam ko ang 'kaarawan' ay masasabing ring 'nakalaang araw' at diyan ko itatagpo ang kuha ko sa tema na ito.
Napansin nyo ba na ang miyerkules ay nakakalaang araw sa Mahal na Birhen at ang biyernes naman ay nakalaan sa Panginoong Hesus. kaya naman maraming tao sa Baclaran kapag miyerkules at sa quiapo pag biyernes.
ang litrato ko sa lahok na ito ang imahe ng Birheng Maria kasi nasa bahay namin ang 'block rosary' noong pang linggo. kinuha ang litrato pagkatapos ng aming pagdarasal ng rosario.
oh! may isa pa lang kahulugan ng kaarawan. di ba pag birthday natin lagi tayong tinatanong nang 'ano ang wish mo?' bakit di natin ilaaan ang bawat araw sa kanya kahit 15 minutos lang, malay mo matupad ang panalangin mo sa araw na di mo inaasahan.
AND |
Digiscrapbook Layout created in Microsoft Visio
using "DCWV Fall Stack 23" as a paper background