October 15, 2009

Litratong Pinoy # 79 : maagap (early)




di papahuli




sa totoo lang, aminin natin, ayaw natin ng "delayed flights" di ba?

kung pagbabasehan ang karanasan ko sa huling 3 flights ko sa kanila, lagi akong maagap sa pag boarding at take-off at sa huli, maagap na pag dating sa paroroonan nang halos 15 minutos. sapat na oras yan para ligawan ko ang flight crew para magpa litrato sa flight deck (cockpit). sana sa susunod na viaje ko, may litrato na ako kasama ang flight attendants ;))


in English :

"don't be late"

base on my experience on my last 3 flight with this airline, I'm always early on boarding, take-off and landing thus I'm early for about 15 minutes. that's enough time to ask the flight crew to have a photo of me in the flight deck (cockpit). i just hope that on my next flight, i can have a photo of me with the flight attendants ;))


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP



Ang litrato rito ay kuha gamit ang
Canon Powershot A580 sa
Ninoy Aquino International Airport Terminal 2
Pasay City. Philippines
noong ika-26 ng Agosto sa taong 2009


Photo herein is captured using
Canon Powershot A580 in
Ninoy Aquino International Airport Terminal 2
Pasay City. Philippines
last 26th of August 2009


kisses

12 comments:

thess said...

Ay totoo, ayaw ko talagang nale-late at naghihintay sa mga taong late! Ayoko din na d delay ang flights (ang sungit ano? he he)

sana nga mas agapan mo pa next viaje mo para may pics with attendants!

Happy LP, Jay!

emarene said...

Oh my Gosh! Naalala ko yung huli naming sakay ng eroplano - Akala ko 7:30 ang flight - oras pala yun ng connecting flight namin! Late kami ng 2 hours! never again! buti na lang ang bait ng taga airline and they booked us on the next flight. We arrived on the same day -- but hubby and son did nto talk to me for several hours!

Unknown said...

nakakainit talaga ng ulo kapag delayed ang flight. yong tipong di ka na nakapag-sipilyo para umabot sa flight mo, tapos pagdating mo sa airport, delayed pala!

marami ako bad experiences sa PAL, kasumpa-sumpa!

an2nette said...

Ganon pa rin ba ang PAL, plane always late? sabagay nakakastress naman talaga pag delayed ang flight mo, nice shots and hapi LP

agent112778 said...

@ luna : talaga? share mo naman sa email ko. as of 3 of 3 flights ko sa PAL, wala namang problema. kaya i can say ill prefer PAL than the competition

@ an2nette : as of 3 of 3 flights, PAL is not late nor delayed, Thank God. yung competition, was delayed by almost 1 hour lalo na pag after lunch.

Marites said...

marami rin akong naging hindi magandang karanasan sa mga PAL atbp. pero napansin ko umayos na nang konti ang serbisyo nila. Masuwerte ka't parang naging maganda ang nangyari sa iyo.

AL said...

ODK! Ilang commitments na rin ang na-delay dahil sa mga aberyang yan!

Ako nga pala si AL, first time kong sumali sa LP.

julie said...

Dapat talaga maagap ang dating para di maiwan sa biyahe :)

ian said...

naku. lalo na kung may connecting flight kang hinahabol, o kaya may naghihintay nang susundo sa iyo, bawat segundo ay mahalaga, bawat minutong pagkahuli ng flight e impiyerno hehe

Pinky said...

Kaya pala maaga e... may "vested interest" na litrato sa cockpit - hahaha! :D

Ebie said...

So far, on time ang mga flights ko sa PAL. The only bad one was my bags were not ticketed as connecting flight to Dgte from LAX. That's why I missed my flight and waited for the next P.M. flight at 3.

Rico said...

Talaga namang nakakainis kapag delayed ang flight. Wala naman kasing pwedeng gawin sa mga airport.
Buti na lang so far ok lahat ng mga naging flights namin. Maligayang araw ka-LP!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...