October 8, 2009

Litratong Pinoy # 78 : Tamad (lazy)




Halabos na Hipon




sa totoo lang, nakakahiya man aminin, pero kinatatamaran ko talaga ang kumain ng hipon - lalo na pag maliliit, kaya mas mahilig ako sa sugpo - kasi mas matagal pa ang pag balat kesa sa pag kain nito.

pero nilunok ko ang ganyang salita nung nag hain ng Halabos na Hipon ang nanay ng aking nobya noon bumisita ako sa kanila, paano naman kasi, sino ang hindi matatakam sa laki nyan, di naman yan sugpo pero halos sinlaki na ng sugpo. unang tikim palang ganado na ako.

ahhhh, ang sarap talagang bumisita sa kanila. busog parati :D

Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP



Ang litrato rito ay kuha gamit ang
Canon Powershot A580
Sa Cagayan de Oro City, MIsamis Oriental
noong ika-30 ng Agosto sa taong 2009

kisses

19 comments:

fortuitous faery said...

mas nakakatamad naman magbalat ng alimango...pero masarap naman! kelangan lang ng konting tyaga...para may hipong halabos! haha.

ngayon ko lang narining yang term na yan..."halabos!"

missy said...

ako ren mas gusto ko nakabalat na....

hehehehe

HAPPY LP!

ang aking lahok--> http://missy.dgonzalos.com/lp-tamad/

karmi said...

alam ko nung bata kami, nanay ko ang nagbabalat ng hipon:P swerte. hehehe.

pero ngayong malalaki na kami, kanya-kanya na. tsk. kakatamad, pero kailangan para makakain ng hipon! hehe

jeanny said...

naku hindi ako kumakain nyan kasi allergic ako :)
Kawawa naman ako kasi ang sarap pa naman nyan, wuahhh!!!!

emarene said...

walang katamaran si ako basta ito ang ulam! Number 1 fave ko kasi ito! Pahingi!

an2nette said...

masarap talaga ang hipong halabos, kailangan lang talagang balatan, wala namang thrill pag ready to eat na, hapi LP

Pinky said...

Ganoon yata talaga.. pag mas masarap ang pagkain, mas mahirap ang pinagdadaanan para kainin - hehehe!

julie said...

Totoo yan pero ok na din ikaw ang magbalat kesa iba, hehehe :D Yaan o na, masarap naman :)

Ebie said...

Masarap ang hipon, pero mas matagal magbalat kesa kainin. Pag yan ang ulam namin, tamad magbalat ang anak ko, kaya ako ang "tig". Merong mabiling nakabalat na, pero masmasarap ang lasa pag may balat.

P.S. Naku Jay, nahirapan akong mag Tagalog, sa sunod, Bisaya na...hahahah!

Arlene said...

hi jay, i think nobody becomes lazy when it comes to food. :) siguro mas masarap pagkaluto ng mommy ang shrimp na yan. :)

Happy LP!

upto6only said...

oo nga nakakatamad balatan ang maliit na hipon. tama din si fortuitous faery, pati ang alimango kakatamad din. pero in fairness ang sarap ng hipon na iyan.

Happy LP

PEACHY said...

oo nga nakakatamad magbalat pero sige pa rin sa pagkain ng hipon kasi paborito ko rin ang hipon. Kaya madalas, binabalatan ko muna yun hipon bago ko umpisahan ang pagkain, kaso kung minsan madaya si H, binibingwit mulsa sa plato ko ang mga nabalatang hipon sabay subo bago tatawa :-)

ito ang sa akin: http://mpreyes.blogspot.com/2009/10/litratong-pinoy-tamad-lazy.html

Marites said...

ay naku, hindi ako tatamarin pag ganyan kasarap ang pagkain hehehe! antsarap!

yeye said...

basta hipon, masipag ako. hahaha


eto naman po ung akin :D

TAMAD:)

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

Sassy Mom said...

hehehe.. ganyan din ang kapatid kong lalaki.. tinatamad pag hipon ang ulam. Ako naman ay seafood addict - gutong gusto ko iyan.

Clarissa said...

hahahahaa!!alam ko kung ano ang ibig mong sabihin pero kung ano yung masarap sa pagkain,mahirap kainin lol!!\(^0^)/

Unknown said...

wala pa bang naka-invent ng machine tagabalat ng hipon?:P

mas exciting nga habang binabalatan, may anticipation.:P

Amy said...

fav pod ni naku ang gambas labi na butangan og cream:)

Mirage said...

Meron akog kilala ipinagbabalat pa para lang kumain ng hipon....ako kasi ang tagapagbalat nya haha.

Happy LP!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...