October 30, 2008

Litratong Pinoy # 31: Kadiliman (Darkness)




Nakaka asar pag may brownout lalo na pag gabi kasi
hindi lamang sa madilim kung di
hindi ka maka Blog, Plurk, Multiply at blog-hop, etc.
sa madaling sabi,
walang ilaw, madilim.
walang Kuryente, walang ilaw, walang internet :(




at sigurado, pag makulimlim at
madilim na ang kalangitan, uulan at magkaka-brown-out :((





buhay sa ngayon, nakadepende na karamihan sa
liwanang ng ilaw, buhay, puso at isipan :))



It really angers me when there is a power failure during the night.
its not only dark but
we can not do our blogs, edit our sites, and surf the internet.

for sure if its cloudy
the sky will darken and the rains will pour that can cause a power failure :((

Life now a days really depends on the
enlightenment of bulbs, life, heart & mind.


Maganda at mapagpalang araw mga ka-LP!!!!!!!

34 comments:

Anonymous said...

noong 1992 pagkatapos ng Mt.Pinatubo eruption ganyan lagi ang hitsura ng bahay, kandila lagi...di bale nakakatulog tayo ng maaga pag brownout hehe.

Happy LP!

Anonymous said...

tama ka jay...parang na-miss ko naman ang brown out sa atin hehe, bad:( naalala ko kc pag brown out madalas kami magkantahan at mag piano o gitara:)

Anonymous said...

Totoo ang sinabi mo - mas pinahahalagahan natin ang liwanag dahil alam nating mahirap sa dilim. :)

Maganda nga lang pag brownout, tipid sa kuryente, di ba? Hehehe

Anonymous said...

madalas pa rin palang mag brown out dyan... konsumisyon ano?
Happy halloweeen...

Anonymous said...

ang ganda ng cloud formation, parang may carpet ang langit na gawa sa makakapal na bulak. happy LP!

Anonymous said...

Wala na akong ma-comment... pero di ba ganda ng effect pag walang flash tapos brown out? Pero ayoko ng brown out... kasi walang internet!

Ang aking "madilim" na litrato ay nakapost dito. Sana makadaan ka. Salamat!

Anonymous said...

honga... mahirap pag offline... happy huwebes... :)

Anonymous said...

sobrang nakasalalay na talaga sa internet ang ating buhay ngayon...samantalang dati, typewriter lang ang kailangan sa pag-type ng mga homework...hehe.

♥peachkins♥ said...

oy ang ganda ng piktyur nung computer na may kandila..parang modern day horror...

hehe..happy LP!

Nandito po ang sa akin

♥♥ Willa ♥♥ said...

oo nga,sa 'pinas usong uso brown out,uso pa rin ba?

Anonymous said...

Buti na lang bihirang bihira mag-brown out dito, at kung hind, baka maloka beauty ko. Siguro yon last na brown out na naranasan ko eh noong 2003.

sweetytots said...

oo nga.. obvious na net addict ah! Silipin nyo rin ang lahok ko.. ang litrato ng anak ko sa kadiliman...naway matakot ko kayo! Ang aking Lahok
"sa kadiliman"
salamat sa pag bisita!

julliefer said...

ang ganda! di ko pa natututunan na kumuha ng larawan sa dilim na walang flash at ganyan kaganda. maligayang LP!

Anonymous said...

kay ganda ng iyong larawan, kaibigan. :-)

JO said...

mas ok na ang walang ilaw/koriente, kaysa mawalan ng tubig, di ba?

Eto ang aking lahok. Salamat.

Anonymous said...

Jay, ako naman eh nami-miss ko na ang brown-out basta hindi ito matagal (walang halong yabang). Kadalasan kasi eh kapag walang ilaw eh dahil may bagyo at dahil dito malamig at mahangin ang panahon... sarap mag kwentuhan lang.

Four-eyed-missy said...

Madalas din ang brownout dito sa aming gawi. Kaya walang magawa kundi magsindi ng kandila at hintaying ang pagbalik ng kuryente -- back to blogging at surfing ulit!!

Marites said...

ganyan din ang feeling ko pag brown out..waaaah! walang internet..kakabagot at ang aga matulog kaya naman lagi akong pasalamat sa ilaw. maligayang LP!

Anonymous said...

Ang ayaw ko lang pag brownout eh walang electric fan! Ang init pa naman dyan sa Pilipinas :( d baleng mawalan ako ng internet he he

happy LP sa iyo!

Anonymous said...

"walang internet"
yun talaga ang problema eh. :D i

Unknown said...

nimi-miss ko minsan ang candlelight sa bahay. ang ganda ng ambiance e, pero pag nagsimula na ang init at lamok, nakakalimutan na ang ambiance---minumura na ang meralco.:D

Anonymous said...

Ayaw ko din ng brownout kasi mainit at kapag hinika ang anak ko, paano na, walang kuryente sa nebulizer niya :(

marie said...

Haaaay, I hate brownouts, ang init na ang dilim pa siempre. Contrast ang posts mo, ganda! Paki check ang mumu sa entry ko ha?

Anonymous said...

ang brownout, bow. oo nga, kakaasar talaga yan. yan ang hindi ko masyadong nami-miss sa pinas hehehe. :D

salamat sa pagbisita!

Kadiliman sa MyMemes
Kadiliman sa MyParty

purplesea said...

for a moment akala ko, eto yung gingamit sa paggawa ng abel iloco. pag madilim talaga, pinaglalaruan tayo ng ating paningin.

Happy LP!

Anonymous said...

kakamiss nga ang internet kung brownout kaya minsan kakainis na din...pero mas gusto ko ng mawalan ng ilaw kesa tubig :) kamusta ang supply ng tubig natin ngayon?

Tanchi said...

maganda tlga ang view pag bulkan..maligayang LP
:)
kakasali ko lang sa LP.:)

Eloise said...

ayaw ko din ng brownout!!!

sobra kasi ako mag-imagine eh

happy lp

ian said...

para sa kabatiran ng mga nasa ibang bansa, napakalaking bahagi na ng Pilipinas ang mayroong kuryente at panaka-naka na lamang ang mga brownout (hindi tulad nung kasagsagan ng panahon ni Ramos in the 90s) =]

ang bisperas ng undas ang isa sa mga araw na nawa'y di pangyarihan nito =]

Nina said...

ako naman pag brown out - ayaw ko lumabas kasi siguradong traffic :)
Happy LP!

Anonymous said...

ang ayaw ko lng pagbrown out yung mainit. mahirap matulog sa gabi pagmainit.

magandang lp!

Anonymous said...

sabi mo pa...hirap ng brownout lalo na sa gabi...lalo na pag ang brownout ay matapos ng Huwebes..mas badtrip (alam mo na kung baket)heheh

inyang said...

oh yes, naalala ko ung mga brownout sa pinas ... kakainis tlga pag brownout!

Anonymous said...

naalala ko pa yung kasagsagan ng pagbabrown out noong early 90s. kahit hindi bumabagyo nagbabrown out. parusa talaga pag sa gabi!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...