October 2, 2008

Litratong Pinoy # 27: Aking Kompyuter




Paunang Salita:

Una sa lahat,gusto kong magpasalamat sa litratongpinoy.com at sa lahat ng membro nito. Kasi nabuhay ng maganda at matiwasay ang aking blogsite na ito. Salamat MEME

Salamat din sa nag komento noong nakaraang Huwebes kasi ang lahok na iyon ay naka tangagap ng pinaka maraming komento sa blogsite na ito.

At dahil din doon, naging 2(two) ang page rank ko, yehey! salamat talaga ng marami...

o sya, eto na po ang aking lahok sa Huwebes na ito:


ANG AKING/AMING KOMPYUTER


Gaya nga ng sabi ni kasamang Clicking Away maaga ako sa huwebes na ito kasi ang lahok ko noong nakaraan ay na-aayon din sa tema ngayon.

Ako po ay kumuha ng Computer Science na kurso sa kolehiyo. Bago ako mag-3rd year High School pa ako nagsimulang mag aral ng kompyuter (1994).Marahil siguro, lahat na yata ng kumpyuter at ilang lang doon ay laptop brands ay nagamit ko na, maliban na lamang sa Apple o Macintosh Computers.

Dahil sa isang kaibigan, at sya rin ang nagturo sakin ng halos lahat ng nalalaman ko sa kumpyuter, ay naging loyal ako sa isang brand ng Computer Processor. Ang Advance Micro Devices o AMD.

Ang una naming nabili na Computer ay isang AMD486-100Mhz. Tapos noong tumulong ako sa pag simula ng Computer Rental Shop ng nasabing kaibigan, nag palit kami ng Computer at napunta sakin ang kanyang Pentium MMX 166Mhz. Dahil unti unti na itong naluluma ng panahon at teknolohiya, naka bili ulit kami ang AMD Athlon 1Ghz, pero dahil hindi tugma ang motherboard sa Processor, di ito nagtagal ng 2 taon, kaya ina-up-grade ko yung motherboard at RAM nito. umayus naman sya. at ngayon eto na ang pinaka huli naming kompyuter dito sa bahay sa Caloocan City, ang AMD Athlon64 3000+ AM2.



Tatlo kaming mag-kakapatid ang gumagamit nyan. Halos 1 taon at 1 buwan na sya samain. Ganito rin ang kumpyuter ko sa bahay namin sa
La Union, iba lang yung mesa, printer at scanner.


At kung hindi dahil sa temang ito, hindi ko pa ito mabubuksan at malilinisan nang bahagya.



Pero syempre, di ko malinisan nang maigi kasi nga madalas gamitin ito. kasi nga naman pag pinaliguan ko ito, mahigit isang linggo itong patutuyuin at hindi magagamit.

Kapatid ko po si
Jenn (Shutter Happy Jen) kaya sigurado, kamukha nito ang lahok nya.

Personaly, ang maganda lang sa laptop ay madli syang bitbitin kahit saan. pero sa Desktop pa rin ako kasi lahat ng pyesa madaling hanapin, mahirap lang bilhin, mahal eh.

Muli po, maraming salamat sa pag bisita at pag akda ng komento...iikot po ako sa biernes ng 11 ng gabi.

Maganda at mapagpalang araw mga ka-LP!!!!!!!

28 comments:

Anonymous said...

Wish ko sa inyong magkakapatid ay bigayn ni Sta Claus ng tig-iisang machine this Christmas! (^0^)

pero it also shows you siblings have respect for each other, walang madamot pati kasi you share one machine.

Well,Happy LP!

Anonymous said...

ngayon ko lang nalaman na ikaw ang kapatid ni jenn!:) halos pareho nga ang inyong lahok hehe...
tungkol sa iyong tanong, ang laptop ko ay Dell inspiron 1520...Dell din ang desktop na mas naaasahan ko sa pag-aarchive ng libo-libong pichur!:) dahil na rin sa doon nakakabit ang external memory...

 gmirage said...

Nalito ako sa comment ni Ces, magkapatid nga ba kayo? =D

Naalala ko si hubby sa yo, hobby nya ang magbuo ng pc from scratch!

Happy LP!

Anonymous said...

@Ces and Mirage2g -- Yup, kapatid ko po si Jay, kuya ko po siya.

@Thess -- wish ko rin yan, pero magagalit si mom pag nagkataon, kasi lalo tataas ang electric bill.

Anonymous said...

sinasabi ko na parang pamilyar eh, pati yung pagkakahiga ng screen. hehehe. :)

HAPPY LP!

Anonymous said...

Mas gusto ko ding gamitin ang desktop namin :D

Bella Sweet Cakes said...

maganda lang ang kuha ni Jenn dahil may kasamang Burger!!!!!! so ikaw pala yung sinasabing kailagnag unahan... bilisan mo rin kasi angpayo ko kay Jenn bilisan nya para maunahan ka !!! h aha ha eto sa kin http://aussietalks.com/2008/10/litratong-pinoy-aking-kompyutermy.html

arvin said...

Yan ang problema ko dito, iisa ang PC:P hehehe. ayun tuloy, haaay, e madalas pa naman e may kausap ako:P

Anonymous said...

hehe ganyan din kami nung una ng mga kapatid ko. share share. pero ngayon may sarili na kaming mundo lahat :D

at kakatuwa naman, 3 pala kayong kasali dito sa LP!

Marites said...

oy, katuwa at magkakapatid kayong may blog:) pwd palang paliguan ang piyesa??? hindi ko alam yan ha! buti nalang nabasa ko dito. may natutunan ako.

Anonymous said...

una sa lahat congrats sa yong pagerank :-)
dito naman sa amin tatlo ang gumagamit nang computer... buti na lang hindi nag ba-blog ang mister ko he he...
hapi Hwebes sayo.

Anonymous said...

alamo i've never owned an AMD-based computer. dapat siguro mag-try ako once.

happy LP!

Anonymous said...

..congrats kuya.. kip it up.. heheh!!!^_^

...mas gusto ko ang laptop kasi pwedng dalhin kahit saan.. heheh... dami na din kasing wifi zone^_^.. kaso wala akong laptop.. hahah!!!

Anonymous said...

mas madalas na maganda ngayon ang mga custom made na pc at least lahat ng gusto mo mailalagay mo at mas reliable pa,at kung may alam ka din lang sa pc,laking tipid mo sa technician,salamat sa pagdalaw nga pala. :)

ADMIN said...

ang interesting ng lahok mo :)
totoo iyun minsan kelangan buksan para linisin.

sharing is the best thing in life :)

Anonymous said...

Buti ka pa at marunong magbaklas at maglinis ng pc - ako hanggang labas lang nalilinis ko e... at pag nasira pa ito, tiyak na major panic attack ang abot ko! :lol:

Salamat sa pagbisita! Happy LP!

HiPnCooLMoMMa said...

ganyan sana ang gusto kong mangyari sa mga anak ko, yung mag-share sila ng computer, pero di sila katulad ninyo na nagte-take turns...parati may away sa bahay namin dati

Anonymous said...

aha, ikaw pala ang ka-share ni jenn. :) parang naoperahan ang pc ha. ;)

salamat sa pagdalaw sa dandelion food. :)

lidsÜ said...

hanga ako sa inyo!

magandang araw sa'yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/10/lp-27-ang-aking-kompyuter.html

Anonymous said...

Jay, na-impress din ako sa iyong kaalaman. Ako nga eh ayaw kong bukusan ang sira naming desktop kasi mukhang komplikado lang ang laman nito. Kaya, ayun, sira pa rin siya hanngang ngayon.

Solid AMD ka pala... they should give you an award for that.

Happy LP!

Anonymous said...

buti ka pa magaling sa mga butingting, sa mga ganyang bagay, sa aking asawa ako umaasa hehe

salamat sa dalaw sa LP ko :D

fortuitous faery said...

ohmigod...pareho tayo ng computer table namin noong nakatira pa ako sa pasig! hehe.

Ibyang said...

ako din mas kumportable sa desktop, pag nasa bahay ako desktop forever! :)

salamat sa pagdalaw!

M said...

detalyado ang kuha, pati loob ng pc kinunan! hehe.

salamat sa pagdalaw sa
http://mysilverchair.blogspot.com

Chrizelle said...

Maraming salamat sa iyong pagbisita at pagiwan ng "comment" sa aking lahok. Nakakatuwang makita na meron nang bumibisita sa aking "blog". Napakaganda ng iyong kompyuter, parang kompyuter ko na maganda din. :-)

Norm said...

wow! pr2. Maganda ito sa paid post banatan mo na malaki ang dolyar pagdating sa pinas, maraming pera...diba? kapatid ka pala ni jenn? good luck sa inyong dalawa. Sino ang mas malaki ang kita? hehehe

Anonymous said...

yung desktop ko ilang taong d nagamit, ayun, nagtampo na, sayang naman. :( pero totoo, mas madaling hanapan ng piyesa ang desktop, yun nga lang yung akin obsolete na. hehehe

Twinkie said...

Nagulat ako sa litrato! Parang bahay namin sa Malabon ang kinuhanan. Ganyan na ganyan din kasi ang set-up sa amin. Hehe!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...