Presyo
Ibahagi nyo nga sa amin, paano kayo mag basa ng Menu? mula kanan pa-kaliwa o kaliwa pa-kanan? ako? taas muna tapos kanan papuntang kaliwa tapos kaliwa pa-kanan. opo, pa zig-zag. bakit?
hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang sitcom na ito:
may isang binata na naki pag date sa kanyang sinisintang dalaga sa isang bigating kainan. hinayaan nyang mamili ang kanyang ka-date. habang binabanggit ng dalaga ang kanyang nais napapalunok nalamang ang binata. nang matapos ang dalaga, sinambit ng binata ang kanyang order.
habang silay kumakain, nag palitan sila ng kwentuhan. ilang sandali pa ay napatanong ang dalaga "sigurado ka bang OK ka lang sa sopas lang?"
"oo OK lang ako" sagot ng binata.
binabasa ko ang menu sa taas muna para malaman ko kung ito ay "drinks", "appetizer" o "main course" mahirap nang puro sopas ang kainin ko sa date diba? tapos titingnan ko ang nasa kanan para di ako maghugas ng pingan. minsan ang pinaka mura ang di ko gusto kaya mag sisimula ulit ako sa kaliwa naman. pabalik-balik lang na parang makinilya hangang sa maka order ako.
minsan ang hirap mamili kapag di mo gusto ang presyo at bilihin. kahit gusto na nating uamalis hinahayaan nalang nating lunukin ang hiya at susumpang di na babalik.
Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP
Photo herein is captured using
Canon Powershot A580 in
Missy Bon Bon Bakeshop
LKK Arcade, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Philippines
last 24th of April 2010
10 comments:
Ako din basa nang mga name tapos tingnan ang price or else tubig at toothpick nalang and orderin lol! Happy Thursday!
LP~Numero
lol. ako mula kaliwang taas pababa lipat sa kanang taas pababa... :D hmmm paikot ikot pwede din...
happy LP!
www.gmirage.com
Taas, mula kanan pakaliwa. Tingnan muna kung may nakitang gusto, tapos ay babalik. :-)
magulo akong magbasa ng menu kasi unang hinahanap ko iyong masarap na mura:) maligayang LP!
Andito ang sa akin.
Hahahahaha... at least nakapag sopas ka pa kuya. Mahirap kung water lang ang io-order mo. :)
Nakapost ang aking LP DITO. Daan ka ha? Tapos comment ka na rin. :)
mas mahirap kung toothpick na lang nahingi mo sa waiter (lol). inuuna ko laging binabasa ang appetizers, tapos dessert. hinuhuli ko ang main course.
I enjoy at times checking out the menu books and if i don't have money ill look for the cheapest. lol!
Arlene
http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2010/05/lp-bilang-o-numero-numbers.html
haha! ako walang sistema, basta tingin muna sa presyo. hehe.
Magandang araw ka-LP! Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/05/lp-bilang-numbers.html
basta naging mother na - sa presyo muna. Pero pag may kasamang chikiting - sige lang, order what you want. ;)
Ako kahit saan basta masarap..lol
Number
Post a Comment