bago ang lahat, dahil na huli ako sa nakaraang lahok, ilalagay ko ang link na ito para doon.
eto ang sikat na pamilihan bayan sa Cagayan de Oro, ang Carmen at Cogon Markets.
magkahiwalay o magkaiba sila ng lokasyon pero ang nakakatuwang pagmasdan ay ang karatula nila. iisa ang proma na halos mag ka hawig.
maski nga ata pati ang pintura at straktura mukhang iisa din.
may isa pang sikat na Palengke sa Cagayan de Oro - ang Agora Market - kaso nung napadaan kami roon, madilim na at ginagawa pa, sa tansya ko, magiging ganito rin ang itsura nya pag natapos.
Pasensya na kung di namin napasok upang litratuhan ang loob kasi nag mamadali kami sa aming susunod na paroroonan
Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP
in english :
before anything else, let me post this link to my entry last week (LP Karatula)
these are the two of many well-known markets in Cagayan de Oro City, the Carmen and Cogon Markets.
they are on different locations and whats made me happy to see is their signages, it has the same format. even its bulding and paint job is almost the same too.
there is one more known market in Cagayan de Oro City - the Agora Market - but i wasnt able to take its photo because its already dark and it its under renovation. i think, that market will also look the same as these when its done.
sorry if i didnt took a photo of whats inside of these markets, we are hurrying up to go to our next activity.
9 comments:
naku ang daming pwdeng mabilihan dyan. Matao nga lang. maligayang LP sa iyo:)
uy, madalas kami dyan noon ah. Cagayan de Oro - Lim Ket Kai! ah, memories.
mukhang mura mamalengke dito.:P
Ay, hindi pa ako nakapunta sa CDO, ang laki pala ng palengke. Mas maliit ang sa Dumaguete. (bayan ko).
Eto po ang aking lahok.
Parang iisa nga lang itong 2'ng palengke na ito kung mamasdan sa labas!
di pa ako nakarating sa lugar na iyan, sana magawi kami diyan para madagdagan ang listahan ng mga palengkeng napuntahan ko
Si Ate Vi kaagad ang nakita ko sa picture mo. Yang karatula ng Bear Brand na may picture nya :)
Sana makarting din ako dyan at masilayan ang palengke na iyan..
Ang ganda pa rin ni ate Vi hehe
Happy weekend jay! :)
Post a Comment