ang lansangan ng Cagayan de Oro city ay laging may "motorela". Mukha ngang sila ang hari ng kalsada ng Cagayan de Oro.
ang motorela - "rela" ang tawag ng karamihan - ay parang jeep na tricycle. meron yang ordinary na motorcycle at nilagayan ng "cab" sa likod para sa mga pasahero, mga 8 katao ang pwedeng isakay (di ka bilang ang driber ha) : 3 sa magkabilang gilid ng cab (anim na nayan) tapos tig-isa sa magkabilang tabi ng driber (plus 2 kaya 8 na). di sya pwedeng tawaging tricycle kasi 4 ang gulong nya (2 sa motorcycle at 2 sa cab).
may isa pang bersyon yan, ang "motorsikad" - ang pedicab na may makina - na makikita naman sa mga baryo at looban ng mga barangay.
Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP
14 comments:
Yan pala tawag dyan. Galing ah. Kanina ng binasa ko kala ko tatak ng cellphone hahaha!!!!
Happy LP
marami nga yang motorela sa atin - kahit saan. Para na ring jeepney -tatak Pinoy.
motorela pala tawag jan hehehe
asteg kuya!
cagayan padin ah. heheh :)
eto naman po ung akin :D
Lansangan :)
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
first time kong narinig ang term na motorela, sa thailand may ganyan din, tuktuk naman ang pangalan, happy LP
Tricycle ika nga, hehehe. Sa amin noong sa Laguna ay napakarami rin niyan parang mga langaw.
Heto naman ang aking lahok
Motorela pala ang tawag diyan,akal ko kombinasyon ng motor at karetela lol!
akala ko din sa Thailand lang meron niyan, suo na din pala sa atin. :)
ngayon ko lang narinig ang motorela :) at iba nga naman sya sa regular na tricycle dahil apat ang gulong nya :)
Nasubukan nga naming sumakay sa ganyan noong naglibot kami sa Cagayan de oro. Kakaiba.
motorela pala ang tawag dyan. ganyan din yung mga nasa Caticlan. kasya nga buong pamilya namin eh :)
ah yun pala yung tawag dun. ganun din kaya ang tawag nun sa davao?
Happy LP
"rela" pala tawag dito. parang "tuktok" ng bangkok.
parang cellphone ano? hehehe salamat sa pag-share, bagong kaalaman ;)
akala ko cellphone hehehe! meron din nyan dito sa amin pero tricycle lang ang tawag. maligayang LP!
akala ko sa La Union.. may mga ganyan din kaseng sasakyan sa La Union..
Happpy LP!
Eto naman ang lansangan ko
Post a Comment