November 13, 2008

Litratong Pinoy # 33 : Kinagisnan (upbringing)



Noong wala pang masyadong usapan tungkol sa tamang pamantayan sa pagpapalaki ang pagdidisiplina sa mga anak, nakagisnan kong mapalo ng aking namayapang ama sa tuwing ako ay may nagawang hindi maganda. Sa ilang pagkakataon, ako ay napapalo gamit ang tsinelas, pero madalas sa pamamagitan ng sinturon. Kung galit na galit ang aking ama, minsan ang buckle mismo ng sinturon ang tumatama sa akin, pero noong mga panahong iyon, iyon ang tamang pagdidisiplina, at naintindihan ko naman. Alam ko naman na ako ay naging pasaway rin.



Habang ako ay tumatanda, unti-unti ring nawala ang pagpalo sa akin. Alam kong medyo negatibo ang dating ng aking lahok, pero hindi naman masamang magulang ang aking ama. May dahilan naman noon kaya ako ay napapalo, at sigurado naman ako, na lahat naman tayo ay napalo rin noon ng ating mga magulang.

Ngayon ako ay matanda na, na-realize kong mas masakit ang palo ng buhay kesa sa palo ng aking ama. Pero kahit maging palo ng sinturon o palo ng buhay, pareho lang iyong nagpapatatag sa aking pagkatao.

Maganda at mapagpalang araw mga ka-LP!!!!!!!


(litrato at akda ni ShutterHappyJenn gamit ang Sony Erickson k800i; ang tema ay sa inyong lingkod)

8 comments:

Anonymous said...

Ako rin napalo ni dad noon (hehehe), pero walang hinanakit sa akin. Mahal ko siya higit pa sa isang daang porsyento!

Eto ang aking lahok, and eto naman ang lahok ng aking kapatid. Magandang araw ng Huwebes!

Four-eyed-missy said...

Pareho pala tayo, naranasan ko ring mapalo ng sinturon. Di naman ibig sabihin na masama na ang isang tao kapag pinapalo niya ang mga anak niya e.

Anonymous said...

Hindi ko maalala kung ako'y napalo ng sinturon! Napaisip tuloy ako dito. Tanungin ko kaya Tatay ko? :D

Anonymous said...

naku, yung mga kapatid kong lalaki napalo ng sinturon. pero ako hindi ako napalo ng tatay ko. siguro kasi nag-iisa akong babae. kaya nanay ko ang pumapalo sa akin. hahaha.

happy LP!

JO said...

napakasakit ng sintoron... napalo din ako noong bata ako.

Eto ang aking lahok. Salamat.

 gmirage said...

"Spare the rod, spoil the child."

Tama ang disiplina ng iyong ama, pero kalakip ng palo ang pagpapaintindi sa bata kung bakit sha pinapalo, sana nga lang hindi yung buckle. Totoo iyon, kaya namamalo ang mga magulang natin dahil mahal nila tayo....tin´gnan mo ang mundo ngayon, inalis ang palo kaya ang mga bata ayan pinapaiyak ang magulang...

Anonymous said...

kanikaniyang estilo sa talaga sa pagdidisiplina...maging ako man ay napalo din ng tsinelas noong ako ay bata pa.

sana po'y madalaw nyo din ang aking mga lahok sa: Reflexes at Living In Australia

Tanchi said...

oo..ganyan tlga pag mahal k nila:)

maligayang LP

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...