November 6, 2008

Litratong Pinoy # 32 : Maalala Mo Kaya (do you remember)



Maligayang pagbati mula sa Probinsya ng La Union, ang aking ikalawang tahanan.Tapos na ang aking halos tatlong (3) buwan na bakasyon sa aming tahanan sa Caloocan. Kaya malungkot muli kasi di ako makakapag “blog-hop” araw-araw. Pati na ang aking paglahok sa mga “meme” ay dapat matapos ko na para naka-skedule nalang ang posting at pakikiusapan ko nalang ang aking mga kapatid na sila na ang mag-link ng post ko sa mga meme.

Sa Huwebes na ito akoy ay malugod kong ipakita ang kasalukuyang litrato ng aking unang paaralang pinasukan. Ito po ang Day Care Center ng United Chruch of Christ of the Philippines sa bayan ng Bacnotan, Lalawigan ng La Union. Ito po ay simbahan/bahay dalanginan ng ating mga kapatid na hiwalay sa simbahang Catholico. Hindi ko po alam kung pwede silang tawaging born again dahil hindi ko po talaga alam ang tamang termino.




Dito po ako nag-aral ng Kindergarten noong 1983-1984, limang (5) taong gulang ako noon. Sayang lang at di ko dala ang aking mga-baby pictures kaya di ko mapakita ang aking litrato noon ni wala ring kopya rito. Sa kasalukuyan, ang paaralan ay nasa likod na ng simbahan nayan, dati kami, diyan mismo sa loob nang simbahan nag-klaklase.

Meron pa akong na alaalang mahalang lahok para sa tema na ito kaso mas minabuti kong ilahok iyon sa isang tema sa susunod na buwan.

Maganda at mapagpalang araw mga ka-LP!!!!!!!

1 comment:

Anonymous said...

Ay kaya pala namiss ka namin sa LP, nasa La Union ka na ulit! Diyan ka pala naka base?

Talaga, mismo sa loob kayo ng church nagka klase nuon? Ini-imagine na kung may umiyak na bata, umaalingawngaw ang echo tyak! :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...