September 25, 2008

Litratong Pinoy # 26 : Itim at Puti (Black and White)




Itim at Puti

Black and White




Hangang ngayon, 'di ko parin kabisado ang keyboard ng komputer, kahit halos 12 na taon na akong nagkokomputer at ang masaklap pa nito, 2 daliri sa mag kabilang kamay parin ang gamit ko (hinlalaki at hintuturo). hay :( kelan kaya ako matututo ng "speed typing" :(



Up to now, i still can’t memorize the PC keyboard layout, even if im using it for 12 years now. Much worst than that, I still use 2 fingers of both hands - the thumb and index fingers. ohh :( when will be i be learned to do "speed typing" :(


Litratro kuha gamit ang Sony Erickson k800i
Photo taken using Sony Erickson k800i

38 comments:

Anonymous said...

naisip ko din yan Jay, pero nagawa ko na yan dun sa silver theme natin

Anonymous said...

Di bale, kahit dalawang daliri lang ang ginagamit - ang importante kung gaano kabilis mo nagagawa, di ba?

Salamat sa pagdalaw, Jay, at happy LP sa iyo!

fortuitous faery said...

ako nga, parehong hintutuo lang halos ang gamit ko...o minsan kasama din ang panggitnang daliri. sa madaling salita, hindi ko rin nagagamit ang lahat ng daliri ko sa pagtype, pero alam na ng ilang daliri ko kung saan dumampi sa keyboard kahit hindi ko na titigan ang mga letra...hehe.

sanayan lang yan...

Dr. Emer said...

I use 2 fingers when I type, yet I type fast. I never learned to use all my fingers.

Here's my entry -- MAZE

Anonymous said...

bakit hindi ko naisip ito? blak en white din ang keyboard ko! :)

Puti at Itim sa Yosemite
Puti at Itim na Biskwit

Anonymous said...

ay hindi ko nga maiisip to kc silver ang akin:) galing!

Anonymous said...

Ay onga, puti naman sakin na itim ang letra!

ehehe, practice ka sa typemaster (yata)! ako ay nalilito na sa english keyboard pero sanay ng walang tinginan sa german keyboard...practice =)

Happy LP!

 gmirage said...

di gumagana yun link ko... d2 po http://mirageasusual.blogspot.com/ Thanks!

Anonymous said...

Jay, pang pito ka sa mga comments this week pero una ka para sa susunod na linggo. My computer ang tema natin di ba?

Good idea to... puti at itim din ang keyboard namin.

Anonymous said...

oo nga kuya... advanced ka sa next week!

Anonymous said...

ang sa akin ay keyboards din...nice one! magandang araw ng Huwebes!

sana'y iyo pong masilip din ang aking mga lahok :)

http://manillapaper.com/2008/09/lp-black-and-white/
http://livinginau.com/2008/09/aint-black-and-white/

Bella Sweet Cakes said...

hay naku ganon din ako.. hindi ka nagiisa kapatid!!!!
Anyway eto naman nag sa akin http://aussietalks.com/

Anonymous said...

naku, ako rin wish kong matuto ng speed typing. hinde ko rin magamit lahat ng daliri ko pag nagta-type. :P happy lp sa iyo!

Dyes said...

minsan talaga, nakakalito ang keyboard! hehehe :)

happy LP :)

btw, up na rin ang aking entry sa

http://punto.yaneeps.com

misis_pb said...

galing.. instant entry pag harap pa lang sa computer!

gandang huwebes!

Anonymous said...

siguro ang bilis mo pa rin mag type kahit 2 daliri lang :)

Anonymous said...

salamat na lang sa iyong 2 daliri na masisipag, kundi hindi ka makakapag LP *Lol!*

Happy LP sa iyo kuya Jay! at salamat sa link ha, i update ko links ko kapag nag update na sa LP (para isahan he he)

Anonymous said...

dati may typing class kami sa highschool, kaya natutunan namin mag-type kahit di nakatingin sa keyboard. sana may typing class pa sa mga schools ngayon. para mapadali ang pag-gamit ng computer :D

arvin said...

Ako nga comsci student pa man din, e hinde rin mabilis magtype. Puro typo pa nga e, hehehe. Ang madalas ko lang nagagamit e itong hintuturo at hinsasomething.. ng parehong kamay. Anung tawag dun sa middle finger? Hehehe. ewan.

komski's last post.. Puto at Itim sa Ilaw na Pula.

Anonymous said...

good idea and great angle shot!
ako rin dalawang daliri, minsan isa lang pag tinatamad, when typing (baka saan pa mapunta)...
have a great day :-)

MGY said...

naku, buti ka pa may letters ang keyboard. kung d ko pa lagyan ng colorless, mauubos mga letra ko :D

marie said...

Hi Jay! oo nga nasaharap lang ang puti at itim na keyboard. Teka btw, ang ganda ng template mo, maong na maong.

Anonymous said...

ok lang yan jay, ganyan din ako mag-type hehe

salamat sa dalaw. :D

fcb said...

natutunan ko lang mag-type gamit ang tamang mga daliri nung college ako :)

Anonymous said...

praktis lang kailangan mo and you'll soon be typing at 90++wpm. :)


salamat sa pagdaan! hope your thursday was good!

docemdy said...

Daig pala kita. Tatlong daliri ang gamit ko! Ha ha ha. Magandang Hwebes!

Anonymous said...

ay galing ng pic,very creative!
salamat po sa pagdalawa sa LP ko.

lidsÜ said...

yan ang gusto kong keyboard!

nice!

magandang LP sa'yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/09/lp-26-puti-at-itim.html

JO said...

gamit ko siguro mga 8 daliri [maliban doon sa 2 maliit]... kasi kasama ang typing sa skuwelahan at kung di ko gamitin ang 10 daliri, babagsak ako.

eto ang aking lahok... salamat.

Anonymous said...

wahahaha! pareho tayo! 2 daliri lang ang gamit ko sa bawat kamay sa pag-type ;-)

Haze said...

kahit ako rin di ko kabisado ang keyboard. minsan nagmamarunong kunwari hindi titingin, mali mali naman ang mga titik na napipindot. hehe

speed typing? talo ako dyan. haha.

ganda ng kuha mo. :)

http://haze-unplugged.blogspot.com

Anonymous said...

papasalamat lang ulit sa iyong pagbisita sa akin mga entries...blessings!

Reflexes
Living In Australia

Anonymous said...

Alam mo ba na hilih kong picturan ang mga ginagamit kong keyboard, mapa-opisina, bahay, o eskwelahan.

Mahusay ang pagkakabuo ng konsepto ng iyong entry.

Anonymous said...

buti nalang ey keyboard na 'no? isipin mo nalang kung typewriter pa rin... walang backspace!

Anonymous said...

Bat nga di ko naisip ang keyboard ng lappy ko ah?

Di nga rin ako sanay sa wastong gamit ng mga daliri sa pagtype pero tingin ang importante at least marunong tayo magtype di ba. Di naman tatanumgin yan sa atin ng mga babasa ng sulat natin sa PC di ba? hehehe :) Salamat sa pagdalaw at pagwelcome!

Jeanny said...

hindi ko naisip to ah...hahaha...oo nga noh puti at itim din cya :)

Happy LP

Neri said...

onga no, black and white nga naman ang keyboard, di ko naisip ah. hehe. ok lang yan kahit 2 daliri, sabi nga ng iba nating mga kapatid diba, nasa bilis yan at pagtapos ng trabaho. pero kung gusto mo talaga matuto, practice makes perfect ;)

maligayang paglilitrato! :)

Marites said...

ganyan din iyong pinsan ko, minsan pa nga may dagdag na hinlalaki. di ba sa space lang dapat ang hinlalaki? hehehe!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...