Ginintuan
Golden
Golden
Natuto akong mag "cross stitch" noong kolehiyo ako. Tinuruan ako ng nobya ko noon ('di na ngayon - hehehe) ang dami kong sinulid noon, pati na patterns at karayum. pero dalawa lang ang naka-frame at ito yung ikalawa. ang dami kong nasimulan na gawin pero pagdating sa kalagitnaan di ko na pinagpatuloy - tinamad na ako.
I learned to do cross stitching when I was in college. My ex-Girlfriend taught me. I have lots of DMC treads, patterns & needles. But i only have (finished) two projects put in frames and this is my second. I started many projects but I stopped in the middle due to laziness & boredom.
I learned to do cross stitching when I was in college. My ex-Girlfriend taught me. I have lots of DMC treads, patterns & needles. But i only have (finished) two projects put in frames and this is my second. I started many projects but I stopped in the middle due to laziness & boredom.
15 comments:
Aba! Nagulat ako - ikaw pa lang ata ang alam kong lalaking nag-cross stitch - at ang ganda pa ng project mo ha!
Ako man nahilig diyan noon pero tulad mo rin, marami rin akong sinimulan na hindi na natapos...haaay :(
Gandang LP din sa iyo!
galing ah....marunong ka mag cross-stitch...oo ika wlang yata nag lalaking alam kong marunong mag cross stitch :)
at believe it or not, si kuya ang nagturo sa akin mag cross stitch! bongga! pero mas magaling ako sa kanya!
WOW! napahangan mo ako sa pagko cross-stitch mo ha! kasi ako kahit simpleng pagsulsi nde ko alam :P
maganda ang iyong obra! salamat sa pabisita ^_~.
napakaganda naman ng iyong ginintuang lahok sa LP :)
Jay, ang galing mo. Hindi ko kayang gawin yan. Iniisip ko pa lang eh sumusuko na ako.
aba e magandang impluwensiya ang nobya mong iyan:) balikan mo! haha! galing ah, maski ako d kaya ng powers ko ito!
Galing naman, nagcross-stitching ka :)
bibihira lang ang lalaking alam kong mag-cross stitch. ako, hindi kaya ng bertud ko baka ngatngatin ko lang. hmm..good influence iyong ex mo ha:)
aba, pambihira ka dahil nakahiligan mo ito! hehe. sikat na pattern yang si jesus christ.
ako rin, dati may sinimulan akong komplikadong underwater pattern, di ko na natapos dahil nagkanda-gulo na yung mga dmc threads ko. haha.
Natuto ako nung 1st ear HS, project kasi sa home economics. Ang ginawa ko e isang uber laking pikachu, hehehe. Isang buwan ko binuno, grabe.
sayang at wala akong talent nyan pero parang napaka interesting gawin. :)
ay parehas tayo, daming nasimulan iilan lang ang natapos...oh well, buti nalang di nabubulok ang materials, pedeng pede balikan
ako rin, ngayon lang nakakilala ng guy na marunong magcross-stitch :) mabuhay ka! :)
Mabuhay!!! Ganyang-ganyan din po ang disenyo at kwadro sa kwarto ng In-laws ko.
Ang galing! Lalaking nahilig sa cross stitch. =)
Post a Comment