Ika-Dalawang Taon
tuwing buwan ng Agusto, pinagdiriwang ko ang "dalawa"ng mahalagang parte ng buhay ko. Sa taon na ito, Ikalawang taon na ang aking "blog" at ang pagmamahalan namin bilang nobyo't-nobya.
pagkatapos kasi ng ikalawang EB ng Litratong pinoy, dalawang taon na ang nakakaraan, na ginanap sa Intramuros, Maynila, membro na noon ang aking kapatid sa Litratong Pinoy. sinama nya ako sa EB na iyon at nasiyahan ako na kasama sila. kaya pag uwi ng bahay, binuhay ko ang aking tulog na tulog na blog. Dalawang linggo ang nakalipas, sinagot na ako ng magandang dilag.
napag uusapan narin lang ang dalawa. sa ika-apat na pagkakataon, naka punta ako sa Cagayan de Oro City ng dahil sa Dalawang Kasalan(enero at mayo 2010) at sa Dalawang anibersaryo(agosto 2009 at 2010) naming magsing-irog.
ang nasa larawan ay ang aming "anniversary cake" na mabili namin sa Vienna kaffeehaus, Cagayan de Oro City.
Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP
Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Her Home
last 24th of August 2010
10 comments:
2 years...magandang milestone yan sa isang long distance relationship. :p
Hehe... Happy Anniversary sa in yo Jay...
wow daming celebration. major major happiness hehehe.
happy LP
congrats sa inyo!
sana mga ilang anniversary na lang - kasalan na! Congratulations!
At mukhang masarap ang pancakes :)
Nakaka-kilig naman itong post mo ka-LPng Jay. Happy anniversary sa inyong dalawa ng iyong irog. :)
Nga pala bro bago na ang bahay ng LP entries ko. :)
http://www.yamsfiles.com
wow! Congrats!!!
The Peach Kitchen
peach and things
blowing peachkisses
congrats Jay :)
Btw, re flood, above street level din kami kaya di kami napasok ng baha, buti na lang :(
Congratulations! Mahirap yat ang long distance relationship.
oh wow! double congratulations then! and more power!
Post a Comment