July 8, 2010

Litratong Pinoy # 113 : Disiplina (disipline)



Hatid - Sundo




bilib talaga ako sa mga batang maagang gumigising para lang pumasok sa eskwela ng maaga. minsan, masakit sa akin ang maagang pagsundo at pag hatid ng mga school service sa kanila. naghihikab paako, nagkakamot sa mata pag akoy nagigising sa pag busina ng school serice ng mga batang kapitbahay. ang mga batang iyon ay naka gayak na sa oras na iyon para pumasok.

na aalala ko ang kapatid ko noon. sinusundo na siya sa parehong oras. kaya mas maaga pa dapat syang magising upang mag almusal, at gumayak sa pag pasok. ang laking disiplina ang kailangan upang magawa ito ng isang bata araw-araw sa loob ng 10 taon : 6 sa elementarya; 4 sa high school.

noong kolehiyo ako, umaalis ako ng bahay ng 5:00 ng umaga para sa 7:00 ng umaga kong klase. habang akoy nakasakay, nakikita ko ang mga batang mag-aaral sa pampublikong eskwelahan. isipin mo nalang kung gaano kalaking sakripisyo at disiplina ang gagawin nila at ng kanilang mga magulang. opo, nasa kalye na ang mga bata nag lalakad na ng 5:00 ng umaga. iniisp ko nga kung anong oras sila gumising at umalis ng bahay.

hangang ngayon ganyan ang situasyon, kasi sa pampublikong paaralan 6:00 ng umaga ang simula na ng klase, 8:00 naman kapag pribado. karaniwang 1 oras ang gugugulin sa pag hahanda hangang sa pagpasok. ang iba, dipende sa layo ng bahay at eskwelahan o dipende rin sa napagkasunduang oras ng pag hatid-sundo. marami kasing school service maraming beses(trips) ang ginagawa kaya napaka aga ang mga nasa unang byahe.


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP



Photo herein is captured using
Canon Powershot A580 in
our neighborhood
last 08th of June 2010
kisses

1 comment:

Marites said...

oo nga, ang liliit nila pero madisiplinang gumigising nang maaga. mabuting pag-uugali pero minsan, naawa ako sa kanila dahil sa pagod at antok pa. maligayang LP!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...