sa may bintana
maayong adlaw sa tanan (maligayang araw sa lahat), pagbati mula rito sa Lungsod ng Cagayan de Oro. naparito ako sa CdO kasi kinasal ang aming kaibigan noong sabado lamang (Jan. 9, 2010).
umalis ako ng Manila noong byernes (Jan. 8, 2010) at ang aking lahok ay nangyari sa araw na iyon.
isa ka rin ba na gaya ko ay nag hahangad na maupo sa malapit sa may bintana?, kahit ano pa mang sinasakyan natin, iba parin ang may "view" diba?
noong pumasok na ako ng paliparan, para i-check-in ang aking bagahe, tinanong ako ng clerk kung saan ko nais maupo, sinabi ko ay "28A, window seat". "27A?" aniya, sumagot na ako ng oo kasi alam kong A at F lang ang window seat sa Airbus 320 na eroplano.
kaso, pag punta ko sa aking dapat na kauupuan, may naka upo namang iba. dahil isa rin akong hindi nakikipag talo sa ganitong bagay, na upo nalamang ako sa kasunod na hilera, sa "28A", eh di nasunood din ang gusto ko. buti nalang at hindi puno ang eroplano kaya walang anomang pang pagtatalo ang nangyari.
excited na ako sa kinauupuan ko, syempre, litratistang pinoy ata ito, kaya di pa man nakakaalis ng boarding gate, handa na ang aking camera. pag take-off, isang malaking kalungkutan ang aking nadama.
opo mga kapatid, MAKAPAL na ulap ang aking nasilayan sa buong flight kaya wala akong magagawa kung di ang magdasal ng himala para kahit manlamang yung ilog ng Cagayan eh masilayan ko. habang makapal pa ang ulap at wala ang inaasam na "view", meryenda muna tayo.
pagkatapos ng mahigit isang oras, pababa na ang eroplano kaya wala na kami sa ibabaw ng mga makakapal na ulap kaya unti unti nang numinipis at nawawala ang ulap at natanaw ko na ang aking inaasam.
dahil pababa na ang eroplano, ang hula ko, yang nasa litrato ay isla ng Probinsya ng Camiguin. ilang saglit pa ay lumapag na ang aming eroplano.
ay! oo nga pala, nakita ko rin ang Ilog ng Cagayan at video na ang ginamit ko para kunan iyon.masaya na ako kahit sa huling pag kakataon eh nag ka view sa may bintana at msayang masaya kasi ligtas kaming nakarating dito. sana sa pagbalik ko ng Mnaila, sa may bintana ulit ako at ligtas muli ang aming pagbiyahe.
Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP
Photo herein is captured using
Canon Powershot A580 in
airspace of between Manila and Cagayan de Oro City
Onboard Philippine Airlines Flight PR 283
an Airbus 320-214 with registration # RP-C3229
last 08th of January year 2010
7 comments:
ang galing ng huling litrato, yung buntot ng eroplano,paang buntot ng isda. :)
Photoblog
o di ba, 2 challenges agad sa isang byahe lang? ha ha!
oh wow, gagamitin mo ba yan (yung nasa seat-table) sa LP goes to? (^0^)
Happy LP!
Thess
Ayus! Pasok sa dalawang tema! :)
Eto naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/01/lp-manipis-thin.html
Magandang araw!
Maligayang pagdating sa Cagayan de Oro!
Kung ikaw ay nasa himpapawid hindi mo talaga maiwasan na kumuha ng mga litrato ng ulap na may kasamang pakpak ng eroplano.. ganun din parati ang ginagawa ko pag bumabyahe ako mula CDO hangang Manila or saan man ako mapadpad..
Sana ikaw ay nasiyahan sa pagbisita mo sa Cagayan de Oro...
Manipis na Pizza Crust
suwak na suwak sa dalawang tema :)kakatuwa talaga ang view sa itaas ano...maligayang LP!
Marites
great travel shots, Jay! The last photo with LP logo reminds me of mine, too. Have made few trips without it kasi nakalimutan ko kung saan ko nalagay. hahaha
Maayong Huwebes nimo diha, Jay! I hope you enjoyed cAgayan de Oro City.
Arlene
http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2010/01/5365-lp-manipis-thin.html
haha, ayos ang naisip mong 2-in-1 post, aliw. mabuti na lamang at maluwag sa eroplano, walang agawan ng upuan. ubos na ba ang pastel? :D
Post a Comment