December 4, 2008

Litratong Pinoy # 36 : Eksayted (Excited)



Noong malit na paslit pa lang ako lagi akong kumakaway at bumabati ng paalam sa mga nagdaraang eroplano. Noong kolehiyo ako, lagi kong pina pangarap na makasakay sa eroplano. Nakakasawa narin kasing magviaje sa bus. Naranasan ko narin sumakay ng barko.

Noong nagkaroon ako nang kaibigan na taga Mindanao, lalo akong na-exite na mag-eroplano. Gusto ko silang bisitahin sa kanilang kinalang lugar. Dahil sa mahal na'ng pamasahe at matutuluyan sa kanilang siudad, matatagalan pa bago magkatotoo ang aking pangarap na ito. PERO!!!!!!!!!!







Excited na po akong pumunta ng Cebu. YES!!!!!!!!!!!!!! Makapunta na ako sa Cebu lulan ng eroplano sa Pebrero 18. Tapos magbabarko kami papuntang Dumaguete tapos eroplano pauwi ng Manila. Excited pa akong lalo nang sabihin ng aking nakbabatang kapatid na nagkaroon ng seat sale sa Cebu Pacific (buti na lang di agad nai-book ang Dumaguete-Manila flight sa PAL), kaya ibig sabihin, makasasakay ako sa dalawang magkaibang eroplano, at makapapasok sa dalawang magkaibang airport terminals sa Manila. Ang Cebu Pacific kasi ay sa terminal 3 at ang PAL naman ay sa terminal 2. Swerte ko naman!

Tuloy pa rin ang pangarap kong pumunta sa kanila (sa bahay ng kaibigan ko), libre kasi ang magarap diba. Ang excitement ay nagmumula sa mga pangarap diba? Ang litrato ng eroplano ay kuha gamit ang Canon Powershot A460. Maraming salamat sa aking kapatid na si ShutterHappyJenn sa pagkuha ng screen shots ng aming e-ticket. Maraming salamat din sa kanyang kaibigan sa pag-book ng aming tickets.

Masaya at mapagpalang HuweBEST sa lahat :)

11 comments:

Anonymous said...

mabuti naman para sa iyo! congrats and enjoy!!!

Anonymous said...

Ramdam ko ang excitement mo. I wish you the best, kahit next year pa yun :)

Anonymous said...

Kuya, sabi ko sa yo ang pangit ng e-ticket ng PAL, di ba?

Ako rin excited na sa Cebu trip! Wow wow wow!

Ang aking LP entry ay naka-post dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!

Tanchi said...

pasensya na at mali ang nailagay kong comment

anyway, napakasarap maglakbay sa kung saan-saan..bastat may pera:)
haha


bisita ka rin sa entry ko:)
monkeymonitor.blogspot.com

linnor said...

enjoy cebu! :)

Four-eyed-missy said...

Good luck and enjoy your trip! Shempre pa, share the fun through your pics :)

Jenn Valmonte said...

sama aku..T.T

ingatz kau ni ate

sana makadaan kadin sa aking lahok.

Anonymous said...

Wow, congrats! Damihan ang kain ng chcicharon at lechon Cebu para mas sulit ang biyahe - wag lang ma-overweight sa eroplano - hehehe

Anonymous said...

uy, nice... lakwatsa to the max.... hehehe...


pasensya na at ako'y nahuli, pakisilip po ang aking lahok... :)

HiPnCooLMoMMa said...

damang dama ko ang excitement mo, imagine sa feb pa pala ang trip na ito and you are so looking forward to it. Sana mag enjoy kayo

http://hipncoolmomma.com/?p=2160

Marites said...

wowww!! kakatuwa at mamamasyal kayo! Sana naman, umabot kayo balang-araw sa Davao. Ramdam ko na eksayted ka na sa lakad. Magkapatid pala kayo ni Jenn? Katuwa naman kayo, magkakapatid kayong pareho ang hilig.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...