Mamahalin kang Muli
Noong nakaraang ika-23 ng Abril, ako ay bumisita sa tahanan ng aking nobya. masaya ang aking mahabang at matagal na pagbisita. matagal kasi dalawang okasyon ang magaganap sa kanilang pamilya.
ang ikalawang okasyon ay ikakasal ang kapatid na babae ng aking nobya, yun ang litrato sa aking lahok sa LP 106 : Pamilya. ang unang okasyon ay ang aking lahok ngayon.
noong nag renewal of vows ang aking mga magulang sa kanilang ika-25 na anibersaryo, lubusan ko itong ikinasiya. kaya naman nang may pinaplanong renewal of vows ang aking nobya at kanyang mga kapatid para sa ika-35 na anibersaryo ng kanilang mga magulang. natuwa ako at na alala ko bigla ang renewal of vows ng aking mga magulang.
Enero palamang ay nag paplano na ang aking nobya sa sopresang ito. ang plano lang ng nobya ko, kumain ng hapunan sa labas at imbitahan ang mga kamag-anak at kaibigan nilang Monsignior upang basbasan ang regalo nilang singsing. nag inimbitahan na ang Monsignior agad itong tumangi at papayag lamang siya kung gaganapin ang pag babasbas sa simbahan (sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental kung saan sya ang kura paroko). pumayag ang aking nobya sa Monsignior. dahil dito, kailangan niyang ipaalam sa kanyang mga magulang ang magaganap. nag hagilap sila ng mga gamit sa kasal gaya ng unan, aras, cord, kandila at belo.
naku, puno ng tawanan, biruan, katuwaan at kasiyahan ang naganap na renewal of vows. sa aking puso, talaga namang pinagpapasalamat ko sa Panginoon ang nasaksihan ko at parte ako ng kasiyahang iyon. higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos sa kanilang ika-35 na taong pagmamahalan. sa totoo lang, nakaka ingit ang kanyang mga magulang kasi sa loob ng 35 taon parang magnobyo parin silang tignan.
Panginoon, naway gawaran Nyo rin ako ng ganitong kasayang pamilya.
Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP
Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Our Lady of Candles Parish
Tagoloan, Misamis Oriental, Philippines
last 26th of April 2010
7 comments:
Yan ay isang pagbabago na napakalaking adjustment ang kailangan gawin ng both parties :)
My LP:
http://greenbucks.info/2010/06/02/c5-mindanao-avenue-nlex/
Ito din sana ang aking entry na isa sa pinakamalaking pagbabago sa buhay ko ang pag-aasawa. Pero iniba ko lang I know marami ang mag post sa ganito.
For 35 years of being together and loving each other that is something else, congratulations to the couple. Happy LP!
LP:Pagbabago/changes
mas bilib ako sa mga taong tumagal sa pag-aasawa at napanatiling nagmamahalan kasi siguradong andami nlang napagdaanan. Sana, matupad ang dasal mo :) maligayang LP!
Dito ang sa akin.
dali-dalian mo na, para magka pag celebrate ka na rin ng anniversaries! Happy LP!
i'm sure darating din yan para sa yo... :-)
Happy LP!
walang kupas 'ika nga.:p
ang sabi naman ng uncle kong pilosopo, kaya daw bongga ang 25th wedding anniversary nila ng tita ko ay dahil 25 years na silang nagtitiisan. dapat daw i-celebrate talaga yon (LOL).
Ang pag-aasawa ay hindi biro at maraming changes yan. Congrats sa kanila!
Changes
Post a Comment