Ito rin ang aking unang Camera. yung dati ko kasing ginagamit ay para sa pamilya kaya minsan ko lang nagagamit. Mahigit isang taon na ito sa akin. Pero may sira sya ngayon. Ito ang napili kong bilhin kesa sa iba kasi gumagamit ito na "AA" na baterya. kung saan kahit maubusan ako ng baterya, makakabili ako sa maraming tindahan o madaling magdala ng spare bateries. di tulad sa iba na mahirap hanapin ang spare baterries tapos mahal pa :( Napili ko din sya kasi sa "4x zoom" nito na di tulad sa iba na "3x zoom" lang, tutal halos pareho lang ang presyo tapos gusto ko pa yung brand name :)) kaso ang problema, gaya din nang sinabi ng ibang "tech reviews", "noisy" minsan ang resulta ng litrato: minsan batik-batik ang kulay; di sya nakakagawa ng "stripes". Pero sa tulad kong di naman profesional ang litrato, pang gimik lang kungbaga o kaya pang "souvenir" lang at gaya ng iba "pang-friendster-friendster" lang naman kaya sumatutal, ayos at sapat ang camera na ito sa aking pangangaylangan. nababanas lang ako kasi gumagamit ako ng camera sa mga conferences namin. di kasi maganda ang resulta ng litaro ko pang kinuhanan ko ng litrato ang aming tagapag-salita (guess speaker). kasi naman madilim ang paligid, yung spotlight ay tumatama ang ilaw sa camera kaya madilim din ang kuha :(
Sira naman itong camera ko :( ipapa ayos ko nalng muna ito, pag nasira ulit saka na ako bibili ng bago. Manghihiram muna ako sa mga kapatid ko :D Ang sira nya? 'Di ko alam! Kasi yung resultang litrato ay may linya-linya na parang notebook tapos pag sa daylight purong puti lang ang imaje para kang kuhuha ng litaro ng puting tela :( ikalawang beses na itong nagyari. Nung una may warranty pa kaya pinaayos ko agad, pinalitan nila yung lens, e di maayos na, tapos noong isang buwan lang ganun ulit, bumalik ang sira :(( dahil tapos na ang warranty ng produkto at ng pinalitang lens kaya eto nag dadalawang isp ako kung dapat pa bang ipagawa para may magamit ako sa pebrero sa viaje namin sa cebu o bibili nang bago? :(( naku can't afford pa ako :(( :(( :((
Masayang huweBEST sa lahat :D
Lahat ng litrato rito ay kuha gamit ang Sony Ericsson k800i
Masayang huweBEST sa lahat :D
Lahat ng litrato rito ay kuha gamit ang Sony Ericsson k800i
35 comments:
wow...ok na ok ang powershot!
tska yung ixus:)
pang point and shoot!
wala na akong idea kung magkano na ang mga camera ngayon pero yung akin, binili ko 2 years ago wala pang $100, sony nga lang. Hindi ba mura na yun o madami pang mas mura?
sana maayos na ang iyong camera o makahanap ka ng mura. :)
Maligayang huwebes ka-LP!
sana maayos na pero bili ka na lang ng bago kung mahal ang magpa-ayos! siguro dahil sa battery na gamit minsan kung mahina na ang battery na-aapektuhan ang efficiency ng motor! salamat sa visit doon sa lahok ko. http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp40-pula-red.html
ang kyut naman ng pulang kamera. sana maayos na sya ano? dito medyo mura na rin ang mga digicams, yung mga pambata nagsisimula sa 14 euro.
hmmmm....ask mo rin if how much paayos nyan...if mahal say mga 6k above naku kapatid bumili ka na lang ng bn cam. Sa Quiapo daming mura dun. Yung Canon A720IS ko mura ko nabili dun almost 2 years ago, dati 13500 sya sa quiapo tas sa malls nasa 19k plus sya. So malaki masasave mo. :)
Happy LP!
sana mapaayos mo agad para magamit mo sa iyong biyahe, good luck!
happy new year Jay :-)
Yeah, tanong mo muna kung mag-kaano paayos. Baka mas mura kung bumili ka na lang ng bago.
hmmm. bili ka lang kaya ng bago? madami naman na mura-mura o kaya naka-installment..
bili ka bagong cam! paano nga mga vanity pics? hehehe:P ay may camera phone ka naman pa rin pala.
Hindi ba mas worth it na bumili ng bago kesa ipaayos lalo na kung lente ang diperensya? Opinion ko lang naman.
Salamat sa pagdalaw!
Magandang araw!
tama, mag price check ka muna, minsan mas expensive pa magpaayos kesa bumili ng bago eh.
Uy, nakakatuwa naman ang pagbisita mo sa akin. Canon din ang kamerang gamit namin. Sa Canon kasi nagtatrabaho ang asawa ko, sa software department nga lang kaya di kita matulungan sa problema mo. Sana nga maayos na siya. Kanino pala ang kamerang gamit mo pang-LP?:$
Salamat uli sa dalaw mo.
Happy New Year din. God bless you!:$
kapamilya nito yung una kong camera, powershot a430! maysakit din sya ngayon kaya samu't saring hiram na kamera rin ang gamit ko hehe ang iniisip ko lang e kung wais pa siyang ipagamot o papagpahingahin ko na nga lang ba sya dapat nang tuluyan- kung ang halaga ng repair ay katumbas na rin ng bagong kamera...
ako din sa palagay ko kung kaunti lang ang diperensya ng pagawa sa pagbili ng bago, mabuti pa na bumili ng bago. mayron din namang maganda na at hindi kamahalan. ang cam ko na gamit ay halos 2 years na din pero sa palagay ko naman ay OK pa sya. mura na lang ito ngayon at wala ako balak pa sya palitan...
salamat sa dalaw mo. sana nga maayos na yung camera mo para makabalik ka sa pagkukuha ng mga litrato. happy lp! :)
Sayang naman at nasira na siya - ganda pa naman ng kulay! :(
Baka dapat new camera for the new year ang drama mo - hahaha!
All the best for 2009, Jay!
Apir! Canon user! hehe. First love ko talaga ang canon cameras at kung pula eh ok na ok! Natuwa naman ako sa pang friendster-friendster lang..hehe Sana nga ay maok na sha, ayan tuloy imbes na pangkuha ng litrato ang camera mo eh sha na ang kinunan ng litrato :D Happy LP!
ixus din ang kauna-unahan kong camera:) dpa uso ang digital nun haha!:)
bili ka na lang ng bago... marami ng murang camera ngayon.
salamat sa iyong pagbisita.
http://www.joarduo.com
cute talaga pag may kulay ang digicam...madaling hanapin sa loob ng bag. pero malungkot pag nagsisimula na itong magluko at maghingalo.
pa-estimate mo muna how much pag papaayos.. baka mas mura pang bumili ng bago.
uy...ang ganda ng lahok mo. agree ako kay Purplesea, baka you will save buying a new one than have it fixed. :-)
salamat sa pagbisita sa aking lahok ha!
gandang byernes sa iyo!
maganda naman ang mga kuha mo eh:) sana nga naman, maayos siya pero sabi ng karamihan kapag ang isang digicam ay nasira, mas mabuti pang bumili ng bago kesa ipaayos. Huwag naman sana iyang sa iyo hehehe! maligayang LP!
Naku Jay, sana makahanap ka ng maayos na kapalit, at yung affordable. Tutal bumabagsak na presyo ng mga P&S now. Try mo rin Sony brand, may P&S ako nito at walang prob, ever! Though DSLR ko ay Canon, pagdating sa P&S mas gusto ko Sony =)
Have a good weekend!
salamat sa pagbisita kaLP!
Jay, sayang naman... ang ganda ng kulay pa naman. Ang dati naming camera ay pwede rin ang AA batteries kaya very convenient lalo na kung low bat na siya.
Happy LP!
Cool camera. Parang gusto ko rin nyan ah hehe
salamat sa dalaw ka-LP! :)
at least merong service center ng canon d2 sa pinas... ang aking cam ay Casio Exilim and wala akong nakausap na matino nung nasira yung battery nya. oh well.
happy weekend!
red camera... ayus! happy LP... :)
pwede mo namang ipa assess muna. yung p&s ko nasira. dinala sa service center then inadvise nila na mas mahal pa daw if ire-repair kesa bumili ng bago.
yikes. sana'y maayos ang iyong camera dilemma :)
ang ganda ng iyong pulang camera! :) sana maayos pa. sayang naman din kasi!
ako din eh, ung cam ko pang souvenir at gimik gimik lang. hahaha 4 megapixels lang eh tas alang zoom. manual ung zoom. wahahahahahaha
pero sumali pdin ako sa LP. hehehehe. sabi ng kapatid ko bakit daw ako sumali eh wala naman akong mgandang camera. toink. eh sa gusto ko eh. bkit b. hehehe
happy LP
Wow pulang pula ang iyong camera.
Yi Wu is a famous international trade city because of its world's largest wholesale market.
Post a Comment