March 12, 2009

Litratong Pinoy #49 : Polo


Pang porma(l)




Paminsan minsan lang ako nagsusuot nang ganito, siguro sa buong buhay ko mga 3 o 5. kaya aaminin ko matagal na itong litratong ito. Kadalasan kasi lagi akong na ka t-shirt at shorts lang. pag pormal na ocasion, ganito ang bihis ko para di maiinit. :D

Nag pa unlak kami nang sayawan (ballroom) sa Oasis Country Resort sa San Fernando City, La Union para makalap ng pondo para sa Gawad Kalinga - La Union. Ang nakalap naming pondo ay sapat para sa dalawang bahay. Nag bigay daan din ang nasabing okasyon para makilala ang Gawad Kalinga La Union sa mga bisita.

Lahat ng litrato rito ay kuha ng isang kaibigan gamit ang kanyang Vivitar Vivicam 3915 noong 17 Disyembre 2005

Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP
kisses


16 comments:

ces said...

naks! japorms:)

paulalaflower♥ said...

ang tagal na ah. :))

arls said...

oo nga japorms! :)

paano ba sumali sa gawad kalinga? matagal ko ng gus2.

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-blusa-polo/

thess said...

Natawa ako kay ces ha ha..pero o nga, japorms! =)

mainit naman kasi kung long sleeves lagi ang suot talaga

happy lp!

SASSY MOM said...

Tama... japorms nga ang tawag diyan! Happy LP!

Gmirage said...

Naks, japorms nga at ang ganda ng ngiti natin ah! Nakatanggap ka ba ng award nyan? Congrats at Happy LP!

FickleMinded said...

wow! ngayon ko lang nakita ikaw sa personal, bagay naman sa iyo eh,dapat dalas-dalasan mo pagbihis ng ganyan.

lino said...

hehe, pormal ah... happy huwebes... :)

walkonred said...

wow! porma! :D

yeye said...

kuya san ang defense natin? hahahahaha



vivicam..yan ang cam ko ngayon. hihihi


happy huwebes! :D

missy said...

korek japorms nga!!!

http://missy.dgonzalos.com/lp-blousepolo/

Sreisaat said...

Uyy, ang pogi ni Kuya!


Sreisaat Adventures

HiPnCooLMoMMa said...

aba, japorms na japorms ka Jay ah, nakakatuwa!

eto naman ang aking lahok.

Pinky said...

Wow, ayos sa japorms, Jay! Ready to party ang drama - hahaha! :lol:

Marites said...

japorms talaga! Parang mambabatas ang dating kaya naman nakakalap ng malaki:). Sumasama din ako sa Gawad Kalinga at nasiyahan akong malaman na gumagawa ka rin.

Buge said...

Pareho lang ng sinabi ni Ces ang komento ko... Naks japorms!!! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...