March 19, 2009

Litratong Pinoy # 50 : Paboritong Alahas (Favorite Jewelry)


Ang aking Relo


Hindi ako mahilig mag suot ng alahas kaya ang pinaka importante at pinaka paboritong alahas sa akin ay ang aking relo. Hindi kumpleto ang araw ko pag walang suot na relo, pag maliligo lang ako walang suot na relo kaya kahit nag huhugas ng pinagkainan o sa paglalaba eh may suot parin akong relo.

Lahat ng litrato rito ay kuha gamit ang Canon Powershot A1000is mula sa Museo Sugbu, Cebu City, Cebu noong ika 20 ng Pebrero 2009.

Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP


kisses


18 comments:

Anonymous said...

DAti parati akong may suot na relo pero nagka-leak nung pinalitan ng baterya at di pa din napapagawa hanggang ngayon. Kaya ngayon ang relo ko na ay ang aking cellphone. Hehe.

Happy LP!

Anonymous said...

Ako din sa celfone na umaasa :D kasi minsan naalangan ako me suot n relo lalo na pag winter sumasabit sa damit :D

♥♥ Willa ♥♥ said...

iyan din ang dhailan kaya hindi ako masyado nagkokoleksyon ng alahas, sayang lang dahil malamang mas matagal ito sa taguan kesa sa magmait,mabuti ang relo,araw araw mong suot at talagang kailangn.
LP:Jewelry

Anonymous said...

Oo nga, isa talaga sa mga pinaka-useful na alahas ang relo. At Seiko pa! Di ba masuwerte daw yan? O wallet ba yon? Hehehe!

Anonymous said...

ako din laging may relo. feeling ko pag wala akong suot na relo may kulang.

happy lp!

Bella Sweet Cakes said...

K lang yan,, lalaki talaga ,, simple lang at mahalaga ang oras!!!!!! Candang araw ....

Anonymous said...

sa sobrang init dito sa pinas pag nasa mood lang ako nagrerelo, sa cellphone na lang din ako umaasa ng oras :D

Anonymous said...

nice jay... happy huwebes... :)

Anonymous said...

natural sa mga lalaki na relo ang paboritong alahas. bihira lang naman ang mga lalaking mahilig sa kuwintas, hikaw at pulseras. hee hee. :D

Anonymous said...

correct ako din mahilig sa relos..
Happy Huwebes! Eto po lahok ko
http://jennys-corner.com/2009/03/lp-paboritong-alahas.html

Anonymous said...

pareho kayo ng mister ko. relo lang ang palamuti sa katawan maliban sa aming wedding ring. :)

Anonymous said...

Ako rin hindi mahilig sa alahas. Ngayon kahit relo hindi ko na rin isinusuot (wala kasing baterya). Maligayang LP sa iyo!

Unknown said...

necessity dati ang relo pero ngayon celphone na ang ginagawang orasan. kaya madalas, nakatago na lang ang mga relo...

Anonymous said...

sa cellphone na ngayon tumitingin ng oras, tutal, yun naman ang laging dala, di ba?

Happy LP!

SASSY MOM said...

Bibihira sa lalaki ang naihilig sa alahas kaya relo ang tangi nilang hilig. Happy LP!

cross eyed bear said...

ngayon na lang ako nasanay mag-relo sa holland. kelangan sakto oras mo kungdi iwan sa bus. haha.

ito aking lahok http://impulseblogging.blogspot.com/2009/03/litratong-pinoy-paboriting-alahas.html

Anonymous said...

Tulad mo hindi pwedeng wala akong relo (dahil hindi naman ako palagamit ng celfone...ang layo ano? :P)

ah Seiko, matibay yan!

HiPnCooLMoMMa said...

hanggang ba sa pagtulog suot mo pa rin ang relos na yan?

http://hipncoolmomma.com/2009/03/19/paboritong-alahas-42nd-litratong-pinoy/

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...