March 5, 2009

Litratong Pinoy # 48 : Bag



ang aking baggahe



Eto ang isura ko nung pamunta akong Cebu. Excited kasi sa unang pagkakataon sasakay ako ng eroplano.

balik tanaw sa nakaraang LP entry

Bago pa kami umalis ng bahay, kinakabahan na kaming magkapatid sa Excess Baggage kasi naman ang bigat ng bag namin - mas lalo na ako, kaya nga bumili ako ng bag na pang bundok (mounteneering bag) para matibay at madaling buhatin - mabuti nalang at pag dating namin sa paliparan eh 11Kg lang ang bag ko (15Kg ang limit, ang sobra doon ay may multang 100 piso kada Kg).

Ang bag na nasa likod ko ay ang aking baggaje, yung nasa harap(dibdib) at kamay (yung pula) ay parehong hand-carry luggage. nasa pulang bag ang aking baon (at ibang maliliit na gamit para mabawasan yung luggage) at yung nasa dibdib na bag nanduon ang importanteng dokumento gaya ng tiket at IDs; notebook at CP :D

Pumunta kami sa Cebu para umatend ng CFC Singles For Christ 16th International Conference. kasama ko ang aking kapatid na si ShutterHappy Jenn at ang aking kaibigan na si Marilou.

Lahat ng litrato rito ay kuha ni ShutterHappy Jenn gamit ang Canon Powershot A1000is mula sa NAIA Centenial Terminal 2, Pasay City noong ika 18 ng Pebrero 2009

Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP

kisses


28 comments:

Anonymous said...

wow daming bag. :)

Hope you enjoy the cebu trip

Anonymous said...

nyahahaha! ang dami!

♥♥ Willa ♥♥ said...

parang ang bigat naman ng mga dala mo!dami mo bag, dinala mo ba buong aparador mo? :D
LP:BAG

Anonymous said...

Kasya lahat!!! Ako din ganyan palaging may malaking bag kahit ang laman eh wallet lang at camera lol. Happy LP!

Anonymous said...

makasaysayang bag pala yan :-)

TheOzSys said...

Wow, natuloy ka na din sa Cebu - saya naman! :) Nagmistulan ka palang "bag man" (literally) papunta doon - hehehe

cross eyed bear said...

ganyan din ako bumiyahe madalas. hehe! tatlo-tatlo ang bag. minsan apat. haha!

Anonymous said...

teka...asan ka ba sa dinami-daming bag na yan? haha...ayun pala!

wow first time na pagsakay sa eroplano? ang saya naman!

Anonymous said...

nda ka excited, jay ha. lol. ang dami mong bag. mukhang enjoy kayo.

maraming salamat sa pagbisita.

Anonymous said...

Mukhang di ka nakapaghanda, Jay :D Masaya siguro ang lakad ninyong magkakapatid, bonding time :)

Happy Thursday!

Anonymous said...

Jay, d ko ata kaya yung malaking bag mo...mas malaki pa ata sya sa akin...nyehehehe.

SASSY MOM said...

Ay, 11kg? Di naman masyadong mabigat..., hehehe.

Happy LP!

Marites said...

hindi ba sumakit ang likod mo sa dami ng dinala mong bag hehehe! Para atang lilipat ka na sa Cebu ng matagalan :) Saan kayo namasyal doon?

Anonymous said...

juicemeh! nakakakuba sa dami ang 'suot' mong bags!! pero tunay ka, kailangan gawin yan keysa magbayad kada kilo

happy lp, kuya :)

Unknown said...

ok ang maraming bags para marami din malagyan ng pasalubong.:D

Jenn Valmonte said...

...haist, pinoy nga naman mas mabigat ang hand carry baggage kaysa sa check in luggage... hahahah!!!

...happy lp, akin lahok...

Anonymous said...

Back & front sa dami,lol buti nga alang karga pati ulo:) Mas grabe rin ako pagdating sa biyahe,halos bitbit buong aparador hehe

happy huwebes jay! ingat!

Anonymous said...

hand carry lang lahat yan? pwede pa rin ba sa atin ganyan? kasi dito talagang sakto sa size lang at isa lang ang pwedeng hand carry e.

HiPnCooLMoMMa said...

parang di naman masyadong mabigat ang mga gamit mo

http://hipncoolmomma.com/2009/03/05/bag-40th-litratong-pinoy/

Mommy Jes said...

heheheh tlga first time mo sumakay ng airplane dyan??? ako d p anakkaasakay ahahah =) nga pla cge na pili na ng bag ko.....bilhan mo na ang lahat ng babaeng kakilala mo hehehe =) salamat po!! maligayang LP po!!

♥peachkins♥ said...

ang dami mong dala..di ba sumakit ang likod mo jan???

Anonymous said...

Uulitin ko rin ang sinabi ng iba:
Ang dami mong bag!
Tuwing ako ay nagbibyahe, isang malaking bag lang ang aking dala. Pakiramdam ko kasi, kung marami akong bitbit, malamang maiwala ko yung isa sa mga bitbit ko.

Anonymous said...

enjoy the trip... happy LP! :)

incoherent said...

gaano ba kayo katagal dapat dun?

Anonymous said...

15 kg...malaki na din ano? nung ako umuwi sa iloilo nung december, 7kg ang limit ng handcarry....hahaha..go lite lang kasi..pero mukhang hindi lite. ang bigat din ng 7kg hahahaha

eto naman po ang aking entry dis week:
BAG :D

HAPPY LP PO ! :)

Anonymous said...

happy LP!!!

mukhang very excited ka din. ako rin siguro sa lugar mo. :)

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/

Anonymous said...

hehehe. ang daming bitbit kuya.. :P

raqgold said...

hindi ba sumakit likod mo dyan? san mo pa ilalagay pasalubong mo sa amin? hehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...