Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

June 2, 2011

MyProject 365 Cycle 01 : 188 of 365 and
Litratong Pinoy # 152 : gamit sa panlinis (cleaning material)

ano ito?





ano nga ba ulit ang tawag sa tela na libre pag nagpagawa ka ng antipara (salamit sa mata)? nakatlimutan ko talaga.

noong weekend, pagka alis ko ng aking antipara, nagulat ako naiwan ang isang kamay nito sa tenga ko. sa aking pagbusisis, nasira ang bisagra ng salamin ko. parang kinain ng kalawang, marahil sa aking pawis. mga tatlong taon ko rin yun gamit.

nung lunes lang, nagpasukat na muli ako ng aking mata. sa tala ng optometrist, noong 2007 pa pala ang huli kong pagawa. pero sa pag kakaalala ko 2007 ang huli kong pasukat pero kulang tatalong taon nagpagawa muli ako kasi nasira ang frame pero OK panaman ang paningin ko kaya ang frame lang ang pinalitan. miyerkules, nakuha ko na aking bagong salamin. sana naman magtagal ulit ito sa akin. sabi gawa daw sa titanium ito so sana man mas matibay ito.

medio tumaas daw ang panglalabo ng mata ko (nearsightedness) kaso bumaba ang astigmatisim ko kaya pwede nadaw akong mag-contact lens. ayos! sa special occation po, mag papagawa ako ng contact lens, sagot ko sa kanya.

mabalik tayo sa topic. ano nga ulit ang tawag sa tela iyon. dati kasi kontento na ako sa panyo o sa suot kong damit para mapunasan at malinis ang aking salamin pero simula ngayon, lagi ko nang dadalhin ang telang iyan para lagi akong may panlinis. sa tindi ng pawis ko at alikabok sa paligid, kailana ko talaga ng maasahang panlinis.



AND





Digiscrapbook Layout created in Microsoft Visio
using "DCWV Fall Stack 23" as a paper background

Photo Taken in our Home
last 01 June 2011
using Canon Powershot a580


kisses

March 13, 2011

Litratong Pinoy # 142 : kayumanggi (brown)

Tarsier





Regalo ng aking nobya nnong nagliwaliw silang magkakaibigan sa Bohol.

Pasensya na sa sobrang huli ng aking lahok, sa labas kasi ako gumagamit ng Internet.


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP






Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Our Home
last 12 March 2011
kisses

March 4, 2011

Litratong Pinoy # 141 : Bughaw (blue)
and Sky Watch Friday : Season 4 Episode 34

Sea and Sky





May katanungan noon kung bakit kulay bughaw ang dagat, minsan naman ay luntian at kayumangi pero kung ilalagay sa timba klaro naman ang kulay. Hindi ko yun nasagot. Buti nalang may isang sagot na lumutang na akin namang pinaniwalaan.

Ang kulay daw ng dagat ay naka base sa kulay ng kanyang paligid, parang salamin ika nga. Pag bughaw ang dagat, ibing sabihin reflection yung kalangitan. Pag lumtian, pwedeng ang luntiang halaman sa lupang nakapaligid o kaya ang kulay ng lumot sa ibaba. kayumangi naman ang ang reflection ng lupa mismo. Pag itim, ubang usapan na yun.

Translation:
There was one question I encountered before. He asked why the sea turns blue or green or brown but when contained its clear. I don't know the answer but in a few seconds some one answered and I since then believed it.

The color of the sea, like a mirror, is based on the reflection of the surroundings. Blue means it reflects the color of the sky; Green is the reflection of the flora nearby or the moss underneath; Brown is the reflection of the land. If its black, that's a different story





AND




Photo herein is captured using
Canon Powershot A580 in
Philippine Airspace
Between Cagayan de oro City (CGY) to Manila (MNL)
onboard Airphil Express flight 2P964
last 31st of August 2010
kisses

February 24, 2011

MyProject 365 Cycle 01 : 90 of 365 and
Litratong Pinoy # 140 : kaunti (less)

Magazines





Ito ang aking kolektion ng mga magazines.
May mga ilan dito ay bili ng aking kapatid. Bale tatlong (3) tituto ang narito : Food; Yummy; at Foodie. Opo, lahat ay mga magazine sa pagluluto at pagkain.

Kung tutuusin kaunti palamang ang nasa larawan. Ayon sa aking imbentaryo, may nawalang iba pang piraso/buwan at may mga 2/3 pang naiwan sa probinsya namin (mga 2 taon sa Food at Yummy) na aabot sa mga 44 na piraso.

Nag simula ang koleksion na ito noong taong 2004 pa nang may nag benta ng magazine subscription. kumuha ako ng 6 na buwang subscription ng Food. Nang ma-i-labas ang Yummy sinimulan ko narin ang kolektion at gayun din ang Foodie. Para lang makumplento ang taon sa kolektion, nagpupunta pa ako sa magazine stands para bumili ng back-issue.

Kaunti pa itong kolektion na ito. may mga buwan din kasi na di ako nakabili at doon na nagsimulang tumamlay ang aking kolektion. Dahil sa blogging at hilig sa pagluluto, unti-unti na muling sumisigla ang pa-ngo-ngo-lekta. Sana may back issues pa.



AND





Digiscrapbook Layout created in Microsoft Visio
using "DCWV Fall Stack 23" as a paper background

kisses

February 10, 2011

MyProject 365 Cycle 01 : 76 of 365 and
Litratong Pinoy # 138 : ala-ala (remember)

Razon's





tandang-tanda ko pa nung una akong naka kain sa resto na ito. Nasa Pilgrimage Tour kami noon sa 6 na simbahan ng Pampanga. Kumain kami ng tanghalian sa kanilang branch sa San Fernando City, Pampanga. Ang karamihan sa mga kasama ko ay omorder ng Halo-halo at daing na bangus. ako naman, caldereta. habang kumakain sila ng halo-halo na tukso ako kung ano ba ang meron kung bakit natutuwa sila sa halo-halo. sa madaling sabi, omorder din ako. kahit alam kong di ako matutuwa sa halo-halo na iyon kasi nga tatlo lamang ang sahog : saging, makapuno at leche flan. ang taging dahil kung bakit ako nasarapan sa halo-halo na iyo ay sa kanyang yelo na ubod ng pino at ang gatas nito, hindi sya evap eh.

Taong 2008 yon, sa ngayon, kagabi lamang, kumain kamin g mag-anak sa branch naman dito sa SM Fairview. halos bagong bukas din kasi ito at dahil dyan di pa kami naka pasok/kumain dito. pagkatapos ng hapunan, nahihirapan ang aking ina at mga kapatid sa pag ubos ng 2 halo-halo, kinailngan na nila ng tulog ko. di ko sila tinulungan kasi alam ko na ang sarap ng halo-halo nila kaya naman mas ma inam kung hahayan ko silang kumain at ubuson iyon.

pls do visit again for you to know what we had on that dinner.



AND






Digiscrapbook Layout created in Microsoft Visio
using "DCWV Fall Stack 23" as a paper background

kisses

February 3, 2011

MyProject 365 Cycle 01 : 69 of 365 and
Litratong Pinoy # 137 : kaarawan (the day)

Block Rosary





Ang salitang "kaarawan" ay di lamang tumutukoy sa 'birthday'. sa pagkaka alam ko ang 'kaarawan' ay masasabing ring 'nakalaang araw' at diyan ko itatagpo ang kuha ko sa tema na ito.

Napansin nyo ba na ang miyerkules ay nakakalaang araw sa Mahal na Birhen at ang biyernes naman ay nakalaan sa Panginoong Hesus. kaya naman maraming tao sa Baclaran kapag miyerkules at sa quiapo pag biyernes.

ang litrato ko sa lahok na ito ang imahe ng Birheng Maria kasi nasa bahay namin ang 'block rosary' noong pang linggo. kinuha ang litrato pagkatapos ng aming pagdarasal ng rosario.

oh! may isa pa lang kahulugan ng kaarawan. di ba pag birthday natin lagi tayong tinatanong nang 'ano ang wish mo?' bakit di natin ilaaan ang bawat araw sa kanya kahit 15 minutos lang, malay mo matupad ang panalangin mo sa araw na di mo inaasahan.



AND






Digiscrapbook Layout created in Microsoft Visio
using "DCWV Fall Stack 23" as a paper background

kisses

January 27, 2011

MyProject 365 Cycle 01 : 62 of 365 and
Litratong Pinoy # 136 : malambot (soft)

Stuff Toy





Subject: Nung nalaman kong gusto ng nobya ko si Eeyore, bigla kon na alala na gusto ko si Tigger. Hindi naman ako nanood o sumusubaybay sa istorya pero nakikita ko sa malls ang mga larawan nila. Gusto ko ang tigre kaya naman nadaling magustohan ko si Tigger. Minsan nahanap ko ang kanat ni Tigger at base sa MTV at lyrics nun, medio may kahalintulad nga naman ako kay Tigger.



AND





Digiscrapbook Layout created in Microsoft Visio
using "DCWV Fall Stack 23" as a paper background

kisses

January 20, 2011

MyProject 365 Cycle 01 : 55 of 365 and
Litratong Pinoy # 135 : malamig (cold)

Melon Milkshake





Subject: May melon at kondensada sa ref kaya nag melon milkshake ako. wala kaming ice cream kaya pag ka-blender, nilagay ko muna sa pitsel tapos nilagay sa freezer pagkalipas ng 30 minutos, mag yeyelo na ito ng bahagya. ahhhh!masarap mag blog pag may malamig na inumin diba?

pasensyan na at hindi halatang kulay-melon. naparami ng gatas eh, galit pamandin ang kamera ko sa puti.

Maker=Canon
Model=Canon PowerShot A580
Exif Version=0220
Shot Time=2011:01:19 23:50:18
Digitize Time=2011:01:19 23:50:18
Compress Rate=5.0 bits/pixel
Exposure Time=1/15 Second
F Number=2.6
Minimum F Number=
Focal Length=5.80 mm
X Resolution=11520.0 pixels/cm
Y Resolution=11503.0 pixels/cm
ISO Speed Rate=ISO400
Flash=Flash Used
Light Source=
Exposure Program=
Color space=sRGB
Image Width=640
Image Length=480
User Comment=
Related audio file=
Optoelectric conversion factor=
Shutter speed=1/15 Second
Aperture=2.75
Brightness=
Exposure bias=0.00
Maximum lens aperture=2.75
Subject distance=
Metering mode=Pattern
Flash energy=
Spatial frequency response=
Subject location=
Exposure index=
Sensing method=
File source=
Scene type=

Location = Our Home



AND





Digiscrapbook Layout created in Microsoft Visio
using "DCWV Fall Stack 23" as a paper background

kisses

January 13, 2011

Litratong Pinoy # 134 : Lata (can)

SFC Can





Ang laman ng lata na ito ay magbibigay ng kasiyahan sa maraming bata.
Ang laman ng lata na ito ay maliit kung titignan pero pag pinag samama, makakatulog ito sa mga batang mag aaral.
Ang lata na ito nakalaan upang makalikom ng pondo sa mga batang magagaling at matatalino.

Ito ang "SFC Can". Kaming mga kasapi ng CFC Singles for Christ ay bolontaryong nag iipon sa pamamagitan ng latang ito para sa mag batang maaaral. Gusto nyo bang tulungan akong magipon? Hanggang Pebrero na lang ito sa akin. Lilikomin ang mga latang ito sa aming punong tangapan tapos sila na rin ang mamamahagi sa mag bata.


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP






Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Our Home
last 05 January 2011
kisses

January 6, 2011

Litratong Pinoy # 133 : Paboritong Laruan (favorite toy)

Die Cast





Bata palamang ako gustong gusto ko na ang larong kotse. Kaso di pwede eh. Tapos, na uso noon ang action figures na "GI joe" kaso may kamahalan kay di pwede. ang kaklase ko noon marami silang "GI Joe" figures kaya lagi akong nagpupunta sa kanila. lagi akong nanghihiram kaso ayaw nya. sila din, namahalan sa pagbili ng mga sasakyan ng GI Joe kaya ginawa nilang sasakyan ang mga kahon ng gamot, toothpaste at kahit kahon ng sapatos. dahil mga kahon, pandikit at file folder lang naman ang meron ako, gumawa din ako ng mga sasakyan ng GI Joes kahit wala akong GI Joe. Pinagmalaki ko pa nga ang mga nagawa ko sa nasabing kaklase kaso dahil malikhain ang kanyang mga kamay mas maganda ang nagawa nya pero OK lang, kasi dahil may sasakyan na ako, pinahiram naman nya ang lumang GI Joe. sa istoryang ito ako nahilig sa laruang kotse. kaya matchbox naman ang pinangarap ko.

ang lahok ko ngayon ay ang aking pinaka tago tagong, pinaka ingat ingatang die cast metal car. bigay yan ng nobya ko, kasi alam nya na gusto ko ng toy car at si tigger :"> ang sweet nya diba? daghan salamat pangga!

opppss, may isa pa nga pala akong paboritong laruan, kaya yan nakapatong sa Laptop na gamit ko kasi paborito kong laruan ang PC/Laptop lalo na ang Facebook games. kaso di pwedeng maglaro sa laptop na ito kasi sa kalumaan, di ako pwedeng mag install ng adobe flash player kaya eto, walang games, FB/youtube videos at mag upload ng maramihan kasi flash na ang gamit sa uploading sa FB, hindi na java :((


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP






Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Our Home
last 05 January 2011
kisses

December 30, 2010

Litratong Pinoy # 132 : Pook (place / spot)

Laguindingan Airport




ang nasa litrato ay ang aerial shot ng Languindingan Airport nang akoy pa uwi na ng Maynila galing Cagayan de Oro noong Agusto 31 2010. Lagi akong umuupo sa "seat A" ng eroplano para makita ko lamang ang pook na ito. May kasiyahan hatid kasi sa akin ang makakita ng paliparan at iba pang tanawin kapag nasa ere.

ano na kaya ang nadag-dag sa paliparang ito? Napabalita kasi sa dyaryo(Manila Bulletin) noong martes (28 Dec 2010) na ang paliparang ito na nagkakahalaga ng 7.853 Bilyon piso ay nasa 72.74 porcentong tapos. Inaasahang matatpos ito sa Decembre ng 2011 at magbubukas sa publiko makaraan ng isang buwan. Nasulat din na ang paliparang ito ay nakatayo sa Laguindingan Moog Village na may kabuuong sukat na 4.17 sq.Km o mga 393 ektarya. Ito ay nasa gitna ng Iligan City at Cagayan de Oro City. Ito na ang Ika-apat na International Airport sa isla ng Mindanao kasunod ng Davao; Zamboanga at General Santos.

-personal na opinion-
Usap usapan ng mga lokal sa Cagayan de Oro kung ano ang sasapitin ng kaslukuyang paliparan ng Lumbia (sa Cagayan de Oro din). magyari kasi, may nabalitaan ako na bawal sa batas ang dalawang paliparan na magkalapit, gaya ng sinapit ng Bacolod City kung saan ang lumang paliparan sa sentro ng Bacolod ay sinara sa pagbubukas na ngayo'y "Bacolod-Silay International airport". kaya ang tanong ng karamihan, lalo na ako, paano nalang kung isasara ang kasalukuyang paliparan ng Lumbia at malilipat ang operation ng mga airlines sa Laguindingan. mangagailanag ng mga isang oras o 46 Km viaje papunta ng Cagayan de Oro. hasel diba :( oo nga't nasa gitna ito ng Iligan City at Cagayan de Oro kayat maraming makikinabang sa kanlurang bahagi pero ang Cagayan de Oro ang sentro ng kalakalan at turismo ng rehiyon. Sana magkaroon ng "win-win solution" sa usaping ito.


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP






Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Philippine Airspace
onboard Flight 2P 964
of AirPhilExpress
last 31st August 2010
kisses

December 23, 2010

Litratong Pinoy # 131 : Makulay (colorful)

Float Parade





Nakaka magha talaga kung paano nila ginawa ang mga floats.
Nakaka aliw talaga ang mga makukulay na palamuti nilagay.
Nakaka panabik abangan ang bawat kalahok.
Nakaka tuwang masaksihan ko ang magandang paradang ito.
sa susunod na taon ulit Senior San Agustin.

ang nasa larawan ay isa sa maraming floats sa 2010 Kagay-an Festival noong Agusto 28.


English Translation:

Its amazing who do they did this
Its enjoyable to see the colorful decorations
Its exciting to wait and see all entries
I'm happy to witness to this float parade.
until next year again Saint Augustine

in the photo is just one of the floats in 2010 Kagay-an Festival last 28th of August.
.


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP






Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
LKK drive corner CM Recto Ave.,
Lapasan, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Philippines
last 28 August 2010

Digiscrap layout is created using Microsoft Visio
kisses

December 16, 2010

Litratong Pinoy # 130 : Sarado (close; closed)

Soon to Open





Simula nang nag expand ang mga malls, unti-unting dumadami ang mga gustong mangupahan, lalo na sa mga kainan. Marami ring nagsasara at syempre papalit sa pwesto nila.

ang nasa larawan ang dalawa lamang na kainin na aking inaabangang mag bukas. Ilang beses na akong nag pa balik-balik pero sarado parin. Ilang beses narin silang nag sabi ng petsa pero sarado parin. nakakapanabik talaga.


English Translation:

When a mall expands, tenants comes in, specially food joints. Many closes but surely, many new ones will take their place.

Im anticipating the opening of these two food places. many time is come there but its still closed, many times they changed their opening dates but its still closed. my excitement realy escallates.


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP






Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
L/G SM City Fairview Annex 1, Quezon City, Philippines
last 14th December 2010

Digiscrap layout is created using Microsoft Visio
kisses

December 9, 2010

Litratong Pinoy # 129 : Gitna (middle)

High Job





Ano kaya ang pakiramdam na mag lambitin sa gitna ng isang gusali?ito ang karaniwang ginagawa ng mag building inspectors at mga window cleaners. ako nga nahihilo sa gilid ng overpass kaya sa gitna ako naglalakad ng matulin para di ko makita ang ilalim. paano kaya nila na-overcome ang fear of heights?


English Translation:

How does it feel to be in the middle of a building? This is the usual job of building inspectors and window cleaners. I get dizzy if im using the overpass thus i walk fast in the middle so that i wont see the bottom. How do they conquered their fear of heights?


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP






Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Greenbelt 5, Makati City, Philippines
last 14th of September 2010

Digiscrap layout is created using Microsoft Visio
kisses

December 2, 2010

Litratong Pinoy # 128 : Bukas (open)

Pasalubong





Noong nabalitaan kong may dalawang kahon na pasalubong ang kapatid ko mula Ilo-Ilo City, na isip ko na agad ang hirap mag dala maraming bit-bit. Naranasan ko narin kasi yan kapag galing ako ng Cagayan de Oro City, mas marami nga lang ang kanya kasi nga dalawang kahon ba naman eh ako napag kasya ko sa isang bag. Kailangan kasing hand-carry lang ang pasalubong ko kasi naman simulat-sapul 13Kgs na ang bag ko kaya kung hindi magiging handcarry ang pasalubong ko, excess baggage ako. Kaya ayun, naisip ko na sunduin ko ang mga kahon sa airport para mabawasan ang dalahin nya sa nalalabing araw ng kanyang liwaliw.

Pag ka uwi ko ng mga naturang kahon, naisip ko na dahil blogger at Litratistang Pinoy ako at ang aking kapatid, minarapat kong di muna buksan at aantayin ko ang aking kapatid. Kaso, kinabukasan, wala kaming almusal ng nanay namin kaya binuksan ko na ang isang kahon. alam ko kasing pastries ang laman nun kaya panigurado may tinapay doon. Nag almusal kaming mag-ina ng Butterscotch at biscocho.


English Translation:

"Brought Home Goodies"

When I found out that my sister will bring two boxes full of goodies from Ilo-Ilo City, i felt how hard would it be to carry those boxes. I experience that hardship too everytime i go home from Cagayan de Oro City. She has more than mine simply because its two boxes unlike mine which is in a single bag. My brought home goodies must be in a hand-carry luggage or else ill pay an excess baggage fee. from the start, my baggage weighted about 13Kgs. Thus, i thought ill come to see her in the airport and those boxes so that she wont carry those while she is still on a trip.

When I got home with those boxes, I decided that ill just wait for her so that we will open it in her presence for we are both a Filipino photographer and a blogger. However, the next day, me and mother dont have something for breakfast, since those boxes has pastries on it, i decided to open one. me and mother had butterscoth and biscocho (buttered toasted bread) for breakfast.


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP






Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Our home
last 25th of November 2010
kisses
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...