August 28, 2009

Litratong Pinoy # 72 : Hapunan (dinner)




Fisherman's Catch
at Bigby's Cagayan de Oro





Maligayang Pagbati mula sa Cagayan de Oro.

sa wakas, na tupad din ang aking MITHI at PANGARAP, nakarating din ako ng Cagayan de Oro.

nagkaroon ako ng problema sa pag kopya ng aking mga larawan mula sa aking Camera sa Laptop ng aking pangga kaya ako na huli sa pag gawa ng aking lahok. ang una kong plano ay ibahagi sa inyo sa lahok na ito ang una kong hapunan dito sa Cagayan de Oro kaso mas "romantic" ang ikalwang plano kaya heto ang aking lahok.

sa kadahilalanang magkalayo kami ng aking nobya - ako ay nasa Manila, sya naman ay sa Cagayan de Oro - ngayong lang kami nagkaroon ng pagkakataong mapag isa sa hapunan kaya ito ang matatawag naming "first dinner date" :">

nag date kami sa Bigby's, na matatagpuan sa LKK Rosario Strip, Cagayan de Oro. ang kinanin namin ay yaang nasa larawan, ang tawag nila ay "fisherman's catch". alam ng karamihan sa ka-blog ko ay di ako kumakain ng masyadong mamantika at matatabang pag kain at alam din yan ng nobya ko kaya pagkaing dagat ang aming hapunan : 2 pirasong inihaw na hipon; 1 serving ng calamares, isang breaded cream dory, buttered veggies at isang kanin. ang order nayan ay pra sa 2 katao na kaya sulit sa amin ang ganitong platter, nag dagdag nalang kami ng isang pang kanin at tig isang inumin - ice tea sa akin; cola sa kanya. hating magkapatid kami kaya eto ang aking plato:




pagkatapos naming kumain ng hapunan. nag lakad-lakad muna kami sa mall at nakipag kita sa kanyang mga magulang at isang kapatid para mag kape.

muli, daghang salamat sa imo pangga. Thank you Sir, for the coffee :">


Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP







Ang litrato rito ay kuha gamit ang
Canon Powershot A580
sa Bigby's
Rosario Strip, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental
noong ika-27 ng Agosto 2009


kisses

5 comments:

christina said...

wow calamares at hipon! mukhang masarap din ung sawsawan. beer n lng po ang kulang ayos na hehehe

heto po ang aking lahok:
http://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/08/lp-72-hapunan.html

masayang hapunan po!

iska said...

happy 1st dinner! sarap naman ng dinner nyo :-)

thess said...

Awww, ang sweet na hapunan! I wish you guys many happy years together!

shykulasa said...

congrats ha at natupad mo na ang mithi mo ay nakakain ka pa ng masarap na hapunan kasama ang iyong sinta, sweet :D

salamat sa pagdalaw sa aking hapunan!

Yami said...

Uuy! Mas masarap talang kumain kapag kasaman mo ang iyong nililiyag. Congrats po natupad din ang pangarap mong makarating sa CDO. Maganda diyan. :-)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...