February 24, 2011

MyProject 365 Cycle 01 : 90 of 365 and
Litratong Pinoy # 140 : kaunti (less)

Magazines





Ito ang aking kolektion ng mga magazines.
May mga ilan dito ay bili ng aking kapatid. Bale tatlong (3) tituto ang narito : Food; Yummy; at Foodie. Opo, lahat ay mga magazine sa pagluluto at pagkain.

Kung tutuusin kaunti palamang ang nasa larawan. Ayon sa aking imbentaryo, may nawalang iba pang piraso/buwan at may mga 2/3 pang naiwan sa probinsya namin (mga 2 taon sa Food at Yummy) na aabot sa mga 44 na piraso.

Nag simula ang koleksion na ito noong taong 2004 pa nang may nag benta ng magazine subscription. kumuha ako ng 6 na buwang subscription ng Food. Nang ma-i-labas ang Yummy sinimulan ko narin ang kolektion at gayun din ang Foodie. Para lang makumplento ang taon sa kolektion, nagpupunta pa ako sa magazine stands para bumili ng back-issue.

Kaunti pa itong kolektion na ito. may mga buwan din kasi na di ako nakabili at doon na nagsimulang tumamlay ang aking kolektion. Dahil sa blogging at hilig sa pagluluto, unti-unti na muling sumisigla ang pa-ngo-ngo-lekta. Sana may back issues pa.



AND





Digiscrapbook Layout created in Microsoft Visio
using "DCWV Fall Stack 23" as a paper background

kisses
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...