July 9, 2009

Litratong Pinoy # 65 : Basa (wet)




Tampisaw



Nagbakasyon ang aming kapitbahay na mula sa Singapore. bilang pag bonding n'ya sa kanyang mga kapatid at kaanak, na pagpasyahan nilang mag paka-BASA sa swimingpool sa Amana Waterpark sa bayan ng Pandi sa Bulacan. Napagpasyahan nila na yayain kami dahil nakagawian na naming magkakapitbahay na mag outing pag summer (ikatlong taon na ngayon). Apat kaming mag kakapitbahay na nagtuturingan na isang pamilya. sayang lang kasi sa taon na ito, walang kinatawan ang isang kapitbahay kasi silang lahat ay nasa Quezon sa kanilang taunang reunion. kaya kaming tatlo nalang.

Syempre nag tampisaw kami sa pool kasi nakakahiyaman aminin pero halos lahat kami at di marunong lumangoy. kaya sa gilid lang kami. sa resort na ito, sinasabi nila na 13 na klaseng alon ang pool nila (13-waves pool). ang daming tao noong pumunta kami :( kaya nag tatatalon lang kami sa pool sa pag salubong ng mga alon.

Pag-BASA sa pool, dapat mag banlaw =))



kung tatanungin nyo kung paano ko patuTUYOin ang manika ko sa pagkakabasa sa pool at shower, abangan nyo sa susunod na huweBEST ang litrato nya :D

Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP

Ang (mga) litrato rito ay kuha gamit ang Canon Powershot A580 sa Amana Waterpark, Pandi, Bulacan noong 16 ng Mayo 2009

kisses

23 comments:

Willa said...

hay..na miss ko tuloy yung mga kapit bahay namin sa Malabon, kaming magkakapitbahay sa aming maliit na compound eh parang na rin pamilya at may taunang outing din tuwing Summer, sayang lang nga at hindi na kami makakasama.

thess said...

aba at to be continued pala ito, ha ha! smart smart Jay!

happy lp!

jeanny said...

maganda daw dyan sa Amana. Next summer dyan siguro kami pupunta :)

Happy LP!

Linnor said...

aabangan ko ang karugtong :)

Dr. Emer said...

Ang sarap maligo dyan!

Happy LP!

http://siteseer.blogspot.com/2009/07/wet-your-eyes.html

Unknown said...

'kala ko naka-goggles!:P

ang saya ng samahan nyo! ang kapitbahay ko naman, lagi ako binibilhan ng fishballs kapag weekend.:D

Anonymous said...

Ha! leave it to the drier Jay...

SASSY MOM said...

Nice take. Akala ko kung anong hayop ung dala niya, hehehe.

Hap LP!

an2nette said...

nice shots and interpretation with suspense, sarap magtampisaw sa pool kaya lang di ako marunong lumangoy, happy LP

julie said...

Aba, masaya talaga yang ganyang outing, sayang hindi nakasama yung isang pamilya.

ces said...

haha! ayos! parang alam ko na ang lahok mo sa isang linggo:)

Marites said...

may "abangan ang susunod na kabanata..." pa pala ito :) hehehe! mukhang tuwang-tuwa ka sa pagtampisaw dyan sa pool ah.

Mauie Flores said...

Naks, may continuation! Teka, kiddie pool ba yang nilanguyan mo kuya? Hihihi!

Eto naman po ang aking lahok: http://www.maureenflores.com/2009/07/litratong-pinoy-basa-wet.html

♥peachkins♥ said...

Uy neighbor bonding?! Ansaya naman nyan! I like your photo here, Jay.mukhang enjoy ka...

Arlene said...

Nice swimming shot, Jay! Kids always love swimming. :)

To make your toy dry...ilagay mo sya sa dryer and ibitay with clips sa sampayan..then in an hour tuyo na sya.

My LP is now up..see ya around!

iris said...

inaabangan ko yung picture niyo sa mga alon eh :)

PEACHY said...

wow! ang ganda naman ng bonding nyong makakapitbahay!

paano mo nga patutuyuin yan manika mo?

ito naman ang lahok ko

magandang araw!

arls said...

nakakatuwa ang doll! :) hahahah

happy LP! ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-basa-wet/

yeye said...

ako din di marunong lumangoy. huhu

eto naman po ung akin :D

BASA

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

JO said...

parang gusto ko tuloy pumunta sa pool.


Eto ang aking lahok.

Mirage said...

cute nya! At shempre masarap talaga magtampisaw...happy LP!

Zeee @ I Heart Romance said...

hahaha pool! na miss ko nang maligo sa pool ah! kahit na merong pool dito sa apartment namin hindi naman masaya pag ako lang ang mag swimming!

LP entry: http://www.zdarkroom.info/2009/07/lp-basa-wet/

Rico said...

Ang saya naman nyan! Pati kapit bahay kasama pa!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...