April 23, 2009

Litratong Pinoy # 54 : Gusali (building)



Unibersidad ng Santo Tomas
Sampaloc, Manila, Philippines





Eto ang pangunahing gusali ng Unibersidad ng Santo Tomas.
This is the Main Building of University of Santo Tomas.

Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP

Lahat ng litrato rito ay kuha gamit ang Canon Powershot A460 sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 3 Oktubre 2007
All photos herein are captured using Canon Powershot A460 in the University of Santo Tomas last 3 October 2007



kisses

31 comments:

Pinky said...

Uy, mahalaga sa aming pamilya ang gusaling ito dahil bukod sa aking mga magulang e halos lahat na ata ng kamag-anak ko sa mother side e dito nagtapos. Pwede na nga atang sabihing may dugo akong "glowing tiger" kahit paano... hehehe!

lino said...

nice... happy huwebes... :)

RoseLLe said...

uy! ang 'uste'...na miss ko ang Espanya :) salamat sa pagbahagi.
Reflexes
Living In Australia

Marites said...

gandang-ganda ako sa gusaling iyan, hindi ko pa nga napuntahan pero siguradong todo papiktyur ako pag nagkataon.

maligayang LP!

jennyL said...

Naalala ko ko pa nung College ako nung hulign maapunta ako dyan nung mag tatanong ako ng mga course.. naligaw pa kami hehe..

ako po ang guest litratista sa linggong ito

PEACHY said...

oi, nakakamiss naman ang USTe days. Naaalala ko pa nun unang punta ko dyan sa main building papuntang rooftop, nagkadaligaw-ligaw ako dahil hindi pala tuloy-tuloy sa rooftop ang hagdanan.

Happy huwebes!

julie said...

isa sana yan sa ilalagay kung larawan :D

milet said...

memorable sa kin ang ust, nde dahil jan ako nag aral kundi jan ako laging naoospital pag inaatake ako ng aking lupus. nilalakad namin minsan yan pag akoĆ½ nawawalan ng pag asa nun.

salamat sa pagbisita.

Mauie Flores said...

dalawang beses pa lang yata ako nakapasok sa uste kaya di ko pa talaga na fully appreciate ang architecture ng mga gusali nito.

Salamat sa pagbisita mo ka-LP!

an2nette said...

Hi malapit sa puso ko ang UST, nung tinatayo yan, tatay ko ang foreman, lima sa anak ko sa Hospital ng UST ko ipinanganak, malapit lang kasi kami nakatira diyan, sa Ramon Magsaysay nga ako nagtapos ng high school, nice choice of entry and of course the shots, tuloy biglang narewind ang life ko sa maynila

Four-eyed-missy said...

Muntik na akong maging glowing tiger! Sayang, gandang-ganda pa naman ako sa gusaling iyan. Ala kasing pera ang nanay at tatay ko! hehehehe... kaya nag-Macaroons na lang ako, este, Maroons pala.

Sreisaat Adventures

Ladynred said...

Ganda ng School!Salamat sa dalaw.

Pinay MegaMom said...

Sa Royal and Pontifical ka pala (kapareho ng aking asawa) - ako ay erehe, hehe, sa isang public university nag-aral.
Makasaysayan nga naman ang UST at kung iyong isipin na nagawa ng mga Dominikano ang magtayo ng gusaling ganito - kakamangha ano?

Jeanny said...

lapit lang school ko dyan. Na miss ko tulo ollege days ko :)
Happy LP

Willa said...

uy, historical school!
thanks for visiting my entry, sana makasali ka rin sa FoodTripFridayThanks!

meeya said...

halos lahat ng miyembro ng aking pamilya ay nakatapak sa uste kaya naman sobrang malapit ito sa puso ko. :)

laagan said...

ang ganda ng isa sa pinaka lumang institusyon ng pilipinas

Mirage said...

Ahehe nice! halos 3 taon akong nagpupuyat sa room 114 nyan para matapos ang publication at nagtatakutan kami ng aking mga kasamahan kapag kelangan naming pumunta sa toilet sa alas 2 ng madaling araw...lol salamat sa pagpopost nito at bumalik sa akin an mga alaala!

Sa UST hospital ko din ipinanganak ang aking panganay.

Happy LP! Growling!!!

Mirage said...

ay room 112 pala... :D

Tere | Blessings in Life said...

magandang gusali ang napili mo. dyan nag aral ang isa kong kakilala.

salamat sa pagdalaw sa aking lahok:
Litratong Pinoy: Gusali

Rico said...

Muntik nang dyan rin ako nag aral. Kaso waiting list alng ako noon. Magandang araw ka-LP!

Sunshinelene said...

Hi Jay -- that's an impressive gusali. Nakadaan na ako ng UST pero diko nakita ang buong panluuban ng campus kaya masaya ako nakita ang entry mo. :)

Happy LP!

malster said...

Uy USTe! matagal na ring hindi ako napadpad dun. Madalas ako dyan nung nagrereview para sa board exam. Sa mismong building na rin yan ginanap ang pre-board exam namin.

Nakakamiss ding magsimba dun.

Salamat sa palagiang pagbisita. :-)

cpsanti said...

uy, thomasian ka rin? ;-) love love this building!

Kaje said...

isa iyan sa mga yaman ng maynila! nice!

thess said...

Araykupo! 2 1/2 dekada na ng huling masilayan ko ang building na yan ahahahay!

toni said...

pag nakikita ko ang main building ng UST, naaalala ko ang isa kong kaibigan. napagkamalan nya itong simbahan at nag sign of the cross nung dumaan kami sa building nung naghahanap kami ng school na mapapasukan for college. hehe! maligayang LP!

iska said...

Isang maikling kwento:
ang inang ingles at mga magulang ng aking kaibigang Kiwi ay kasama sa mga naging prisoners of war sa loob ng gusaling iyan... at laking gulat nila ng sabihin kong Alma Mater ko ang UST...

Joe Narvaez said...

Makasaysayang gusali. Happy LP!

incoherent said...

ito yung isa sa mga paborito kong buildings sa Uste

emarene said...

maganda pa rin ang UST. last time I was there was in 1982 - ang tanda ko na pala!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...