July 30, 2010

Litratong Pinoy # 116 : Gusto/Ginusto (want/wanted)




Papayat na Ako




noong ako'y bata pa ang payat-payat ko, kailangan ko pa ngang mag suot ng suspender para lang hindi mahubo ang pantalon ko. lumaki lamang ako nung ako'y matapos mag kolehiyo. nung nag-set-up kami ng internet shop ng kaibigan ko, bumabaha ang softdrinks. yun ang nagdulot ng aming pag lobo.

noo pa man ay nakahiligan ko na ang softdrinks pero nung nagsetsup nga kami ng internet shop, mas dumami ang nauubos kong softdrinks. hangang ngayon pa rin naman mahilig ako sa softdrinks ang pinag kaiba lang noon ay may ehersisio ako kasi lagi akong nasa labas para maglakad, tumakbo. pero ngayon wala na, buti nalang na enganyo kong mag "Ab Rocket" ang aking pamilya kaya eto GUSTO ko nang pumayat.

namulat ako sa kagustuhang ito kasi sa tuwing nakikita ko ang aking mga litrato na hihiya ako sa tiyan kong malaki. bukod pa dyan, may mga higit kumulang tatlong pirasong t-shirt na GUSTONG-GUSTO kong suotin parati. kasya ang mga iyon kahit medium sized shirts pa yun. pero yun nga, malaking pagmasdan ang aking tiyan.

pag ako pumayat muli, panigurado madali na sa akin ang makapamili(both choose and buy)ng shirts na medium sized :D

Maligayang huweBEST sa inyo mga ka-LP


Photo herein is captured using
Canon Powershot a580 in
Our Home
last 30th of July 2010
kisses
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...